Skip to main content

Posts

Eat Crispy Pata to Increase Milk Supply!

Yes, you read it right.  How I wish I knew about this way before! And where did I get this information?  I happen to get a notification from one of the closed mommy groups on Facebook.  Nagpost yung isang mommy na inadvise-an siya ng OB niya na kumain ng crispy pata to increase milk supply.  At ang resulta, totoo nga! Nakakaloka!


Tapos sabi pa sa isang comment, totoo nga daw yun kasi practice daw iyon sa Germany na kumain ng fatty, high protein dishes -- para nga daw magkagatas. It has something to do with fat, collagen, and protein. I haven't searched the science behind it. Will update this post if I'm able to do so.Kaya naman pala tuwing kumakain kami sa labas ni AM at puro fried o oily foods ang nilalafang namin, lagi kong sinasabi sa kaniya na sumasakit dede ko, na parang nagpro-produce ng milk. Formula milk si Oyo since day one.  Similac noong una tapos nag-shift sa Nan Optipro.  Pero during the first few months, I really did everything to be able to increase my milk suppl…
Recent posts

Recipe | Sinampalukang Manok (using vinegar)

Dahil madalas kulang ako ng ingredient, I will now make an Alternative Recipe series dito sa blog.

Tulad na lang kanina, first time kong nagluto ng Sinampalukang Manok.  Ayaw ko talaga sa ulam na iyan kasi yung first time ako nakakain non, hindi ako nasarapan! Ang tabang at malansa. Sa karinderya kasi iyon e. Alam niyo naman, karamihan ng karinderya e olats yung pagkain.  Literal na pantawid gutom talaga.  Basta bata pa ako non nung una ako nakatikim hehe.  Pero dahil nauubusan na ako ng iluluto para sa amin (aka, nauumay na sa paulit-ulit na nilulutong ulam) dahil sa kaunti lang yung choices sa palengke namin, naisipan kong magluto nito.  Madalas kasi ako makakita ng dahon ng sampalok lately, kaya yun agad naisip kong gawin.

Nagtanong-tanong na lang ako sa mga tindera sa palengke kung ano mga ingredients nung ulam na iyon kasi nakalimutan kong i-Google bago ako umalis, at pare-pareho naman sila ng sinabi.  Kaso walang sampalok, since mas gusto ko non kaysa sa sinigang mix. Bumili ako…

Recipe | Bro-Cauli-Pechay

Halos lahat tayong mga nanay e gustong makatipid pero may quality dapat.  Pero personally, pagdating sa pagkain, ayaw kong magtipid.  Kung kaya naman magtipid in terms of gagawan ng paraan para masustansiya at marami yung maihahanda mong food, nagluluto ako ng madadaling ulam na mabibili yung ingredients sa palengke.

Alam niyo naman siguro na kaunti lang usually ang choices sa palengke lalo na pagdating sa gulay.  Kaya nagluluto ako ng gulay na tipong napapakain ko asawa ko e samantalang hindi siya mahilig sa gulay noon.  :)

*Nutrition facts at the bottom of the recipe*



At dahil mahilig sa gulay si Oyo, nataon na mura yung cauliflower at broccoli noong nakaraang linggo, kaya naisipan kong iluto ito. Wala na ring laman yung ref namin kaya kung ano pwedeng ihalo, hinalo ko na.

Mayroon kaming tirang seared chicken noong gabi, kaya yun na lang hinalo ko imbes na ground chicken/pork/beef.  Tapos yung pechay na natira, sinama ko na rin para sustansya-overload ang ulam. :D

Pero puwede niyo r…

Affordable Getaway in Tanza, Cavite!

Siguro iilan sa inyo napanood na yung quick tour namin sa Amanda's Resort sa may Tanza, Cavite.  Sa mga hindi pa, scroll down.

At para sa mga nagtatanong kung magkano yung entrance etc (lalo na kapag tamad kayong mag-research sa Facebook), i-she-share ko sa inyo yun dito!

Hangga't hindi pa tuluyang nag-uulan, sulitin na ang summer escape!

But first, gusto ko lang po linawin na hindi po ito paid post huh.  Marami na kaming napuntahan na resto, swimming areas.  Miski nakapag-video kami sa mga iyon, binubura ko na lang kung may negative kaming masasabi about sa lugar. Ayoko na lang iendorse yung lugar kung panget lang din naman sasabihin ko diba? Share positive thoughts, ika nga.

So ito na nga, ang Amanda's Resort sa may Tanza, Cavite.

From main road (kung galing ka sa Manila, Centennial Road, Tejero), kakanan lang po kayo after ng Puregold - Jollibee Tanza.  Kaunting kembot lang, sa left side yung Iglesia ni Cristo tapos lagpas non kaunti yung resort.

I-Google maps niyo na l…

Baptism + 1st Birthday Planning & Preparation at Shakey's Kawit

Sa wakas, nagkaroon din ako ng oras para mag-blog! Hopefully, sipagin na ako mag-edit ng home vids for my vlogging channel on YouTube.  Naging normal na kasi yung sleeping pattern ni Oyo kaya keri-boom na ang pag-blog at vlog! :)

It's been a month since we had Oyo's 1st birthday celebration and baptism.

We've decided to have him baptized before he turns 1, and had a mini (advance) birthday celebration on the day of his baptism--para tipid. Hehe. Dapat sa birthday niya mismo kaso nasa ibang bansa si AM non tapos balik niya e Sunday kaso mahirap na isabay yung pagdating niya sa baptism/party at baka ma-late pa yung flight niya at mahihirapan ako sa pag-asikaso before the party.

Noong una, gusto namin pool party. Yung mom-in-law ng kuya ko nag-offer doon sa isang membership club sa may Makati. No entrance fee or reservation fee. Any number of guests pu-pwede. Kaso hindi siya feasible sa amin mag-anak kasi yung pag-asikaso ng baptism ni Oyo sa church na "malapit" (ac…

Recipe | Bibingkang Malagkit

Malapit na ang pasko at siyempre gusto natin rumaket para may extra income.  Isa sa pinakapaborito kong kakanin ang bibingkang malagkit.  Pero ang hirap makahanap ng legit na masarap. Meron man kaso mahal.  May rason kung bakit mahal naman ito maliban sa mahal ang malagkit at maraming fresh coconut milk ang kailangan, yung proseso ng paggawa nito.  Kung gusto mong kumita at mag-exercise, ang pagluto nito ang the best. Haha! Mangangawit ka kasi kakahalo lalo na kapag lumalagkit na yung kakanin, mas mahirap na siyang kayurin at haluin.  Conitnuous stirring ang peg, bawal magpahinga kung hindi masusunog iyang malagkit!

Pangunahan ko lang din yung mga know-it-all.  Lahat po ng recipes, kaniya-kaniyang diskarte ng mga gumagawa ha.  Huwag po tayo by the book.  Kung may mga suggestions naman kayo, feel free to share it with us sa comments section.  :)



Ingredients:

1 tbsp coconut oil or butter
1 banana leaf

2-3 pandan leaves
4 cups fresh coconut milk
2 cups malagkit, washed
1 cup light brown s…

Recipe | Spicy Tuna-stek

Kung marunong na kayo magluto ng bistek, I'm sure hindi niyo na kailangan ng recipe na ito. Pero para sa mga nag-aaral pa lang magluto at naghahanap ng alternative sa meat, isa ito sa madaling gawin.

Ingredients:

2 pcs  small Tuna/albacora steak
5 Kalamansi or 1/4 lemon
4-6 tbsps Soy sauce
White onions, sliced
1-2 pcs siling labuyo, hiwa yung gitna
Pepper to taste
1 cup water
VCO, canola oil or any oil you prefer


Procedure:

1. Marinate mo lang yung tuna sa soy sauce and mansi o lemon juice for 15-30 mins.

2. For healthier version, heat pan with virgin coconut oil under medium. Sweat onions until transluscent. Set aside.

3. Fry marinated fish. Wag itapon yung sauce o katas, set aside mo lang.

4. Once fried na yung both sides, sauté mo yung labuyo tapos ibuhos yung sauce, water, pepper, and onions. Let it simmer until magreduce to half yung liquid. Taste. Add sugar if needed.

5. Optional: garnish with chopped spring onions or onion leeks. Serve with rice.