ERIM Express Sucks

Nagbebenta ako ng made-to-order cookies na pwede sa mga breastfeeding moms dahil sa flaxseed content, plus VCO, almond, at old-fashioned rolled oats.

Ang problema ko ngayon e itong ERIM Express.

Nakakatawa.  Since first time ko inavail yung courier service nila na super mura, mapapamura ka talaga sa experience.

Nagpa-book ako noong March 31 para i-pick-up yung cookies na order sa akin for Pasig client.  April 3, Monday, 11AM yung ini-schedule ko for pick-up.

Tapos nitong April 1, 3PM, dumating yung rider ng ERIM Express.  Ang aga nila masyado.  OA.  E made-to-order nga kami tapos they don't ship on weekends, kaya ko tinapat ng Monday na lang kaysa matengga yung cookies ko sa tambakan nila over the weekend, diba?  Kaya sinabihan ko si kuya na ang linaw nung ini-schedule ko na April 3, Monday, 11AM.  Balik na lang daw siya.

Siyempre since nakarating na siya dito, naisip ko baka ma-forfeit yung lintek na request ko na pick-up for April 3.   Kaya nag-re-book ako, same day pero mas maaga naman, 10AM.

I've received e-mails from both requests with its pick up request numbers.

Ito na nga, April 3 na no?  4:48PM na habang nagta-type ako ngayon dito.  Wala pa rin anino ng ERIM Express.

Ang hirap nilang hagilapin sa contact numbers nila.  Kaloka.  Laging busy yung Cavite landline.  Yung Sun Cellular at Globe nila ganoon din.  Pero buti nakasingit ako sa Sun number nila.  Kaso sabaw naman kausap ko.  Jusko.  Nagkamali ako ng bigay ng request number.  Nabigay ko yung waybill number na ginawa ko.  Hindi man lang ako kinorek ni ate na kausap ko.  Tapos itong si ate sabi hanggang 7PM naman daw sila nagpapa-dispatch ng riders.  E ang siste, kaya nga "SCHEDULED" e diba?  Nakakapikon.  Hindi tuloy ako makaalis-alis dahil sa lintek na palpak na sistema nila.  Sana hindi na lang sila nagpapaschedule ng definite time sa website nila kung hindi naman nasusunod sa schedule, diba?

So ayun, nag-email ako sa kanila tungkol dito tapos yung constructive criticism ko sa kanila.  Kinopy-paste ko din iyon sa Facebook message ko sa kanila.  At ito ang sagot:




#$#$&*(&#)Q$#&)Q#&

Kabwisit diba?  Sana talaga wala na lang silang scheduling na particular sa oras kung hindi rin masusunod.  Imbes na gumawa sila ng paraan para maayos yung lintek na pickup time ng mga pinapa-ship ng mga customers nila, purket LIBRE ang pickup, e ganyan yung gagawin nila?

Sigh.

"That's what you get when you avail cheap services."

So true.

Hindi ko alam kung titiisin ko itong ERIM Express para sa future deliveries ko or sasabihan ko yung clients ko na may option sila, cheap courier o yung mahal pero good service.  Diba?

Hindi ko lang din matanggap na matagal-tagal na yung business nila pero bakit bulok pa rin ang sistema?  Parang hindi nag-upgrade.  Hahaha!  Tapos naka-off pa yung "review" section nung sa Facebook Page nila pero mababasa mo sa mga comments sa posts nila na halos karamihan e nega feedback.  Alam na.

Sana lang talaga na once ma-pick-up itong cookies ko, hindi siya aabutin ng siyam-siyam sa client ko.

Alam ko naman yung hirap na magdispatch ng riders, magkalap ng mga packages, etc., pero iyan yung nature ng business nila.  Dapat planado yung logistics.  Parang walang sistema kasi nagaganap, nakakalungkot.  Ang daming pwedeng iimprove at gawan ng paraan na cost-effective.  I-hire nila ako.  Charot.  Hahahaha!


:::UPDATE:::

As of 6:54PM, April 3, wala pa rin yung rider ng ERIM Express.

Nag request ako ng panibagong schedule sa website nila.

Tinext ko din yung sa Sun number nila.  Tinanong ko kung kailangan ko pa bang magrequest ulit?  Biglang reply e pahintay na lang daw at nasa area na daw yung rider at naiba yung ikot.  Ngayon, paano ko ika-cancel yung request ko na pickup bukas?  Kawawa naman si rider na sisipot bukas kung sakali.

Still waiting for their reply.


:::UPDATE:::

7:35PM dumating na rin sa wakas si sir rider!

Php 60 lang binayaran ko dun sa parcel tapos in 1-2 days daw makakarating sa consignee yung cookies.  Let's see kung magaganap na iyon.

Nabunutan na ako ng tinik.

Pina-cancel ko na pala yung pickup request ko bukas through text sa ERIM at mabilis silang sumagot sa akin.  Yey!  Nasindak ko yata o nakulitan sila sa akin.  Hahahahaha!  :)

Comments

Popular posts from this blog

Ang 'Dayo' at ang Buntis

Recipe | Filipino Laksa