Recipe | Sinantolan (Ginataang Santol)

Hindi pa ako nakakatikim ng Sinantolan o Ginataang Santol bago ko gawin itong recipe na ito. Kaya nung namunga ng marami yung puno namin ng santol sa bakuran, naisipan kong magluto nito.

Maraming mga recipes online at ginawa ko yung Bicol version na pinakukuluan lahat -- walang gisa. Mga Tagalog kasi mahilig mag-gisa ng mga ulam, diba? Miski sinigang ginigisa muna nung iba yung kamatis, sibuyas at karne o baboy.

Iba-iba yung method sa pagluluto -- walang tama o mali. Nasa diskarte iyan.



Yung sa pag-prepare ng santol, nakababad na sa tubig na may asin yung mga santol na nabalatan at natanggalan ko na ng buto para hindi siya mangitim at matanggal yung dagta niya habang ginagawa ko pa yung iba. Tapos ginamitan ko na ng food processor para durugin yung santol, less hassle. Pero siyempre, puwede niyong igayat gamit yung cheese grater kung wala kayong food processor. Kapag cheese grater gamit niyo, dapat diretso sa bowl na may tubig at asin yung grated santol.

Imbes na hilaw na alamang yung ihalo ko sa recipe na ito, mas gusto kong gamitin yung Barrio Fiesta na bagoong alamang. Hindi kasi ako fan ng hilaw na alamang sa mga lutuin, nalalansahan ako masyado at sobrang alat niya lalo na kung hindi nabanlawan muna ito bago ihalo sa mga lutuin.

May ibang version mga tiga-Bicol sa ulam na ito. Imbes na bagoong/alamang at baboy yung ihalo, tuyo flakes at sardinas yung ginagamit nila. Susubukan ko din iyon soon.

Yung lasa niya, para siyang bicol express na mushy, less pork, tapos may kaunting-kaunting asim. Puwede mo ngang hindi haluan ng pork o any meat ito tapos sabayan mo lang ng piniritong isda.

Sa sobrang malasa ang Sinantolan o Ginataang Santol, yung recipe na ito ay good for 6-8 persons. May nabasa ako na masarap siya na malamig (galing sa ref) tapos iuulam mo sa mainit na kanin. Sinubukan ko iyon, okay nga siya!

Medyo ilang pa asawa ko nung umpisa kasi bago lang din ito sa panlasa niya at hindi niya maimagine na puwede palang ulamin yung santol, pero nung natikman na niya, pasado!

Hindi ko nga pala dinamihan ng siling haba kasi hindi pa puwede sa anak ko ang maanghang. Kaya feel free to add more chilies lalo na ang labuyo para mas masarap.

Kayo ba, nakatikim na ba kayo ng Sinantolan? Anong version yung ginagawa niyo?

Nutrition facts and video recipe at the bottom of the page.



Sinantolan


Ingredients:
  • 1/4 kg pork
  • water
  • 2 large red onions, sliced
  • 8 cloves of garlic, coarsely chopped
  • 2-3 inches ginger, chopped
  • 2-3 cups sapal or 2nd coconut milk
  • 1 tbsp Barrio Fiesta bagoong alamang (sauteed shrimp paste)
  • 6 pcs santol, peeled and cored
  • rock salt
  • 4-6 cups pure coconut milk or kakang gata
  • green chili (as many as you want)
Instructions:

  1. Pour hot water in a pot.
  2. Add in 1/4 kg of pork and a pinch of salt, and let it boil for an hour. Prepare other ingredients while boiling. Set aside when cooked and tender.
  3. Peel 6 pieces santol. Cut in half and core it. While preparing other santol, you can soak peeled and cored santol in water with salt to.
  4. Place prepared santol in a food processor. Pulse it and always scrape down. Grind it until your desired texture.
  5. Transfer ground santol in a bowl and add a handful of rock salt. Mash it and rinse it thoroughly. Drain using a strainer while preparing other ingredients.
  6. Once other ingredients are cut or prepared accordingly, in a wok or sauce pot, pour in 2nd extract of coconut milk (or what we call 'sapal').
  7. Add in onion, garlic, and ginger. Stir and let it simmer under medium heat, uncovered.
  8. Add in 1 tbsp of bagoong alamang. Stir.
  9. Drain out excess water in santol before adding it into the pot or wok. Stir. Let it simmer under low heat, uncovered, until it dries out. Stir occasionally to prevent form burning.
  10. Add cooked pork with a little bit of its stock once the mixture starts to dry out. Stir.
  11. And pour in pure coconut milk. Stir. Let it simmer under medium heat. Stir occasionally until it dries out. Turn down the heat to low when it's starting to dry out.
  12. You'll know when it's done when the natural oil from the coconut comes out.
  13. Add sliced green chilies.
  14. Best served after an hour or a day after.






Comments

Popular Posts