Recipe | Sinampalukang Manok (using vinegar)
Dahil madalas kulang ako ng ingredient, I will now make an Alternative Recipe series dito sa blog.
Tulad na lang kanina, first time kong nagluto ng Sinampalukang Manok. Ayaw ko talaga sa ulam na iyan kasi yung first time ako nakakain non, hindi ako nasarapan! Ang tabang at malansa. Sa karinderya kasi iyon e. Alam niyo naman, karamihan ng karinderya e olats yung pagkain. Literal na pantawid gutom talaga. Basta bata pa ako non nung una ako nakatikim hehe. Pero dahil nauubusan na ako ng iluluto para sa amin (aka, nauumay na sa paulit-ulit na nilulutong ulam) dahil sa kaunti lang yung choices sa palengke namin, naisipan kong magluto nito. Madalas kasi ako makakita ng dahon ng sampalok lately, kaya yun agad naisip kong gawin.
Nagtanong-tanong na lang ako sa mga tindera sa palengke kung ano mga ingredients nung ulam na iyon kasi nakalimutan kong i-Google bago ako umalis, at pare-pareho naman sila ng sinabi. Kaso walang sampalok, since mas gusto ko non kaysa sa sinigang mix. Bumili ako ng sinigang mix just in case pumayag si AM na gumamit non sa ulam namin. As much as possible kasi, walang MSG content yung kinakain ni Oyo. It is widely debated that MSG is not harmful in the body, pero para kasi sa amin, any processed food o panimpla e hindi okay. Pero hindi ko sinasabi na hindi kami nakakakain ng may MSG o ng processed food. Siyempre mayroon non sa mga fastfood, chips, sauces, at condiments. Pero hangga't baby pa si Oyo, kung kaya naman na 90% healthy food and drink iintake niya, why not, diba?
Anyway, kapag magluluto kayo ng manok, laging hugasan muna, tapos budburan ng rock salt at i-set aside for 5-10 minutes, tapos banlawan mo ulit para mabawasan yung lansa.
At dahil walang sampalok, at hindi pumayag si AM sa sinigang mix, suka at asukal ang naisip kong alternative. In fairness, winner ang kinalabasan! :) Nasarapan din si Oyo, lalo na ako! :D Alam kong hindi na ako papayat kasi ang sarap kumain hehehe.
As usual, suggested measurements ng ingredients mga recipes na shineshare ko sa inyo. Feel free to make adjustments according to your liking.
*Nutrition Facts at the bottom of this post*

Sinampalukang Manok
Ingredients:
Ingredients:
- 1/2 kg chicken
- 2 medium red onions, sliced
- 4 cloves garlic, coarsely chopped
- 2" ginger, chopped
- 2 medium red tomatoes, sliced
- Salt o patis
- 1 medium labanos (radish), sliced
- 1/2 tali ng sitaw (string beans)
- 1 large eggplant, chopped
- 1 sili pangsigang
- Php 10 worth of dahon ng sampalok
- 4 tbsps white vinegar
- 1 tsp white sugar
- water
- oil
Instructions:
- Igisa ang sibuyas hangga't mag-transluscent sa pinainitang kawali at mantika. Idagdag ang bawang.
- Kapag bumango na ang bawang, i-saute yung kamatis at luya.
- Kapag lumambot na ang kamatis, ilagay na ang manok.
- Add salt or patis. Mga kalahating sandok muna ng patis o isang dakot ng rock salt.
- After haluin, takpan mo yung pot at hayaan mo siyang kumulo ng mga 3 minutes. Kusang maglalabas ng tubig yung manok.
- Tapos lagyan mo ng tubig para ma-cover-an yung sinangkutsya mo.
- Idagdag yung labanos bago mo takpan yung pot ulit at hayaang kumulo.
- From time to time, alisin mo yung mga bula-bula sa ibabaw. Iyon kasi yung 'impurities' o lansa nung manok.
- Matapos pakuluan ng 5-8 minutes, ibuhos mo yung suka at asukal. Huwag mo na haluin kasi kumukulo naman na siya. Huwag mo na rin takpan yung pot.
- After 8 minutes, ilagay mo na yung sitaw. Kapag half-cooked na yung sitaw, saka ilagay yung talong, sili, at dahon ng sampalok.
- Taste! Make adjustments at this point.
- Serve hot with rice :D
Comments
Post a Comment