What They Didn't Tell You (at least) About Delivering Your Baby & After


Iisa-isahin ko yung mga bagay na na-experience ko during my delivery at pagkatapos. Pwedeng aware ka na sa mga ito pero para sa mga hindi pa, ito na po ang mga iyon at sana makatulong:

  • Tooth decay. Biglang nagkaron ako ng isang sirang ngipin. Wala naman siya butas prior my pregnancy tapos noong nagbuntis na ako, ayun, bigla na lang siya sumakit. Since bawal magpabunot or magpa-pasta while pregnant, nagpa-temporary pasta na lang muna ako saka ako nagpa-permanent noong nanganak na ako. Then I researched about it online, nangyayari pala talaga ito sa nagbubuntis, kaso hindi lahat ha. Nataon na ako isa ako sa mga iyon at kinukuha ni baby yung nutrients etc sa katawan mo, at nakuha niya yung sa ipin ko. Yung ibang case kasi sa buhok diba (nagda-dry)? So ayun, every pregnancy, ihanda mo na may isang ipin kang isasacrifice. Haha!

  • Pain reliever could delay dilation. Pero dahil hindi ko na kinaya paglalabor ko at pumutok na panubigan ko, humingi na ako ng Nubain to ease the pain. Ganoon pala ang ma-high. Tulog agad pagkaturok pero aware ako sa surrounding at naririnig at naiintindihan ko mga sinasabi ng mga tao.

  • Marami kang kailangang basahin at pirmahan na papeles prior to giving birth. Since emergency CS ako, hindi ko na nabasa yung mga papers na pinapirmahan sa akin noong sinugod na nila ako sa delivery room. Ask for it sa OB mo before giving birth whether or not normal o CS ka para you have an understanding what is it all about and you can ask questions at the same time.

  • Kulitin si doc na mag-skin-to-skin kayo ni baby ng matagal. Hindi po kasi nangyari ito sa akin miski na-discuss ko na ito sa OB ko matagal na. Sobrang saglit lang yung contact namin ni baby kaya isa rin sa mga rason kung bakit ako naka-develop ng PPD (post-partum depression). By the way, hindi ko feel na anak ko ang anak ko noong first ko nakita siya after surgery. Walang connection. Kaya ako na-depress at na-frustrate.

  • Delayed clamping. Kulitin mo si doc about it. Like in my case, bawal asawa ko sa loob ng delivery room. So, how can I be sure na ginawa niya lahat ng requests ko like delayed clamping, diba?

  • Can’t move after surgery (C-section). It is encouraged to move within 24 hours after the surgery. Kaso sa case ko, hirap ako gumalaw dahil sa sobrang sakit. Kahit kaunting paling sa kama hindi ko magawa kaya binibigyan ako ng painkillers.

  • No appetite after surgery. Kung yung iba sabi nila gutom na gutom sila pero hindi makakain dahil bawal pa, ako naman walang ganang kumain at mas gusto kong matulog na lang. Ewan ko ba, napakaantukin ko na after ng surgery.

  • Delayed breast milk production. 3 days after ko manganak saka ako nagkaron ng gatas. Kaso ayaw naman dumede sa akin ni baby. Sana may lactation consultants sa lahat ng ospital at lying-ins para tulungan ka sa pagpadede. Hindi po siya madali.

  • Cup feeding. Kulitin niyo ulit si doc niyo na ipractice ang cup feeding sa NICU lalo kapag wala ka pang gatas para hindi ma-nipple confusion yung bata.

  • Reddish-brown discharge after giving birth. Para kang may mens ulit at tumagal siya sa akin halos isang buwan. Depende po ulit iyon sa physiological factors ng katawan.

  • Diastasis recti (ab separation). Karamihan sa mga nanay na nakita ko dito sa Pinas may ganito. Yung loose belly pouch o kangaroo pouch as I would refer to it. Mas mapapansin mo yan 3 months after ng operation. Kaya no-no ang crunches to get rid of it. May certain exercises na pwede sa may ganito na ma-se-search mo sa YouTube.

  • Pekas, mangingitim, at paglagas ng buhok. Dahil sa hormonal imbalance dulot ng pagsilang, isa it sa mga adverse effects. Again, depende po ito sa physiological factors ng nanganak.

  • Mawawala yung pangingitim ng kili-kili, singit, at nipples. Sa case ko, nawala siya paunti-unti. Para siyang libag kapag kukuskusin mo ng basang basahan o wet wipes. Tinry ko din yung swab at alcohol. Sabi nila nakakaitim daw lalo yun. Sa experience ko, hindi po. Equal amounts of baking soda and VCO helps too, lalo na sa kili-kili.

  • Paglaki ng areola. During pregnancy mapapansin mo na ito. Masaklap kapag hindi ka biniyayaan ng boobs. Hahaha!

  • Antukin. Hindi lang dahil sa puyat ka parati, sa case ko ngayon, lagi akong antukin. Hindi ko alam kung dahil ba sa lagi ako nasa kwarto dahil kay baby o sadyang magiging antukin ka lang talaga.

  • Hindi lahat ng nanay e nabibiyayaan ng gatas. Kahit anong inumin kong pampagatas o gawin, sadyang di ako biniyayaan nito. :( Hanggang ngayon nagtatry ako, Fenugreek naman since walang bisa si malunggay masyado. Isang bagay din na nakakalungkot e ayaw ni baby sa dede ko. :(

Iilan ang mga iyan sa mga na-experience ko. Mayroon ba kayo maidadagdag? Comment below para ma-update ko din itong post na ito. :)

Comments

Popular Posts