DepEd-accredited School List

Madaling ilagay na DepEd-accredited sa mga posts ng mga "online" schools. Kaya mas mainam na i-double-check natin yung schools na papasukan ng mga anak natin lalo na't kung hindi siya tulad ng La Salle, Ateneo etc., at kahit anong level pa iyan, private, public o homeschool, kasi may mga experiences yung mga relatives o ibang kakilala namin na gumastos sila sa mga eskwelahan na hindi pala accredited ng DepEd. Nakakaloka!





Sa dinami-daming mga online schools available ngayon na makikita mo sa FB ads o kaya mga posts sa mga homeschool FB groups na sinalihan mo, nakakalito na tuloy kung alin sa kanila yung talagang accredited ng DepEd o hindi. Ang pagkakaalam ko, from Kinder pataas yung required ng accreditation mula sa DepEd. Kapag playschool o nursery hindi naman na kailangan ng accreditation. At base na rin sa website link sa baba, Kinder nga yung first level ng Curricular Classification.

Kaya imbes na sa mga blogs kayo mag-refer kung accredited ba yung school o hindi, dumiretso na kayo sa main source:

https://ebeis.deped.gov.ph/beis/reports_info/masterlist

Kaya paki-share na lang sa ibang parents na nalilito na kung saan ipapasok ang mga anak dahil hindi naman lahat ay ma-research. At least sa DepEd website, may listahan na kayo na pwedeng inquire-an.

#homeschool #onlineschool #depedaccreditedschools #depedschools #homeschoolph #onlineschoolph #preschoolph #kinderph #curlyscribbler

Comments

Popular Posts