Sciatica, Pamamanhid, Carpal Tunnel, Manas


Sciatica (sae.ya.tee.kuh)

May sciatica na ako dati pa prior to my pregnancy. 

Ano nga ba ito?  Ito yung naipit na sciatic nerve sa may pelvic area tapos hanggang paa yung discomfort niya.  Nagkakaroon ito ng madalas kapag nilalagay mo yung bigat mo sa isang side ng katawan mo.  In my case, sa left side ko.  

Remedy is to do stretching o kaya magpa-chiro, at dapat matutunan mo yung pag balanse ng katawan mo lalo na kapag nakatayo.  Nasa lifestyle din kasi.

E yung sa akin, napapansin ko na tuwing nagluluto ako, kanan gamit ko, so nakaangat yung right arm ko diba tapos yung weight e napupunta sa kaliwa.

Yung sa ibang cases naman, pagbuhat ng bag o anuman tapos madalas dun sa malakas na side niyo binubuhat kaya may tendency na malipat yung weight sa strong side mo...kaya major ipit ng ugat later.

Pumunta ako sa Karada last year sa may MOA para i-try ang chiro for the first time.  Nakaka-anxious siya kasi takot ako mabalian ng buto hahaha!  Pero after nila i-align yung axis ko at na-correct yung pwesto ng nerves, jusmiyo, para akong bagong tao.  Alam mo yun, para kang pinaayos sa talyer tapos brand new ka pagkalabas? Hahaha!  Btw, inavail ko noon e yung Php 1,500 package nila. 

Super straight ng likod ko non.  Feeling mo bawal mag-slouch o bend kasi manghihinayang ka sa straight posture mo.  At ang the best sa lahat e tumangkad ako ng kaunti!  Hahaha!  Kaso syempre babalik at babalik ka sa dati mong posture kung hindi mo aayusin yung posture na nakagawian mo.  At ang chiro ay by session.  Hindi siya one time big time.

Kaso walang budget tapos nabuntis.

Kaya ayun bumalik na naman ang sciatica ko...at normal siya sa pagbubuntis kasi naiipit ni baby yung mga nerves sa pelvis.


Pamamanhid ng Left Side Ko

At isang sanhi ng pamamanhid ng kaliwang parte ng katawan ko mula kamay hanggang paa ay dahil sa naipit na ugat.

Sabi ng mga doktor etc na pag buntis mas mainam na nakapaling sa left side para mas dumaloy yung dugo ek ek.  Kaso hindi pwede sa case ko kasi the more na nakapaling ako sa kaliwa, namimintig yung left leg at foot ko.  Hindi dumadaloy ang dugo! 

Ang sakit sakit nga ng left shoulder ko hanggang ngayon kasi nga sa ipit na ugat.  Matagal ko na pinapa-light massage kay AM nung sa may paa ko kasi doon yung ngalay tapos nalilipat hanggang nasa binti tapos sa balakang then balikat, at ngayon sa kamay, which leads me to....



Carpal Tunnel Syndrome

Ano nga ba ang CTS?

Ito yung pamamanhid, tingling, pananakit o ngalay ng mga daliri o kamay o wrist.  Hindi siya all day nararamdaman pero madalas sa gabi...tulad ngayon habang nagtatype ako dito sa phone ko (blogging).

Common ito sa nagbubuntis lalo na pagpatak ng 2nd trimester dahil sa water retention o pagmamanas.  Pero nitong nag 3rd tri ko lang siya naramdaman.

Dahil sa pagmamanas, yung pressure e kinocompress yung nerves.

Stretching at pagiwas na nakababa lagi yung kamay yung alam kong solusyon. Pinapamasahe ko din kay AM hehehehe. 


Manas

March 27 na.  37 weeks na kami ni Apollo.  At ayan na ang pamamanas ng aking mga paa at binti pati na rin kamay ko.  




Ang hirap hirap na maglakad.  Para akong may salbabida sa paa.  Hahaha!

Sabi nila at ni doc na expect ko nang manasin ng bongga since nakaposition na si baby pababa, mas maraming naiipit na ugat, kaya manas to the max.  Senyales na malapit na ako manganak!

Pwede na nga ako manganak any time this week, depende lang yun kung gusto na ni baby.

Ibubuka na ni doc yung cervix ko this week kasi nung last internal examination medyo bumuka na daw cervix ko.  Tatanggalin niya na yung mucous plug (pwede pala yon..kala ko kusa siyang matatanggal).  Kaya payo lang sa akin ni doc e maglakad hanggang sa mapagod.  Magsasayaw pa nga ako at squats galore (ginagawa ko na yun prior to pregnancy kaya di ako hirap).

....

Nakaka-excite na nakaka-anxious na!  Ang lapit lapit ko na mangitlog.  Kailangan ko ng mga dasal niyo sa safety namin ni baby huh :)

Comments

Popular Posts