I Gave Birth
Sa wakas nanganak na din. Hindi ko masyadong na-vlog na lahat ng mga pangyayari kaya ito yung detailed account.
PERO...
Kung tamad kang magbasa, panuorin mo na lang itong vlog ko tungkol dito:
PERO...
Kung tamad kang magbasa, panuorin mo na lang itong vlog ko tungkol dito:
---
At para sa mga masipag magbasa at gusto malaman ang detalye lalo na't kung kasalukuyang buntis ka ngayon at curious ka sa mga posibleng mangyari sa panganganak mo, keep on reading.
---
L A B O R
At para sa mga masipag magbasa at gusto malaman ang detalye lalo na't kung kasalukuyang buntis ka ngayon at curious ka sa mga posibleng mangyari sa panganganak mo, keep on reading.
---
L A B O R
April 12 nung huling checkup namin kay doc at sinabihan kami na kapag April 16 wala pa ring contractions, sa 17 i-admit na ako at iinduce for labor.
April 13, 5am, nagising na lang ako kasi napansin ko yung mini contractions at gutom ako. Kinuha ko bigla yung iPad ko para buksan yung Baby Bump app para imonitor ko yung contractions.
Nagluto muna ako ng tuna-egg-sinangag. Naalala ko lang after ng mga ganap, iyan din kinain ko nung nalaman kong buntis ako (after ko makita yung result nung pregnancy test na ginawa ko hehe).
Every 4 minutes yung interval ng contractions hanggang 8am. Tinext ko si doc at sinend sa Viber yung screenshot nung tracker. Sabay may lumabas na malapot na something down under. Pinatignan ko kay Arjay kasi akala ko panubigan ko na iyon. Pinapiktyuran ko at reddish brown. Hindi kasi ako makayuko nung nakaupo ako sa sala hehe. Sinend ko din kay doc iyon. Sinabihan na niya ako na pumunta na ng Jancor at ito na yung araw na pinakahihintay naming lahat.
Kaya naligo na ako (warm bath), at doon ko napansin sa underwear ko na lumabas na yung mucous plug ko. Mukha siyang slimy gut ng isda kapag nilinisan mo. Excited kami ni AM pero kabado din at the same time. Pinaligo ko din muna siya at sabi ko mahaba pa oras at wala pa naman sina doc sa Jancor. Holiday na rin kasi dahil Holy Week.
Nakarating na kami ng Jancor at hinihintay si Doc Lacoste at Nurse Flor.
Unang dumating si nurse Flor. Pinag-fill-up niya muna ako then pinaglakad lakad muna habang sineset-up niya pa yung bed ko. Saktong pagdating ni doc saka ako inadmit na sa room.
Dinala nila yung aparato (hindi ko alam anong tawag dun) para ma-monitor yung heartbeat (rate) namin ni Apollo sa kwarto imbes na ako yung dalhin sa delivery room. Ako lang kasi yung pasyente kaya keri lang na ilabas nila yun at para kasama ko si AM habang nag-la-labor ako.
Around 10AM, biglang dumating pinsan ko all the way from Muntinlupa. Sobrang nakakataba lang ng puso yung full support ni kuya. :)
Picture, vlog at update pa sa mga kapatid (through Viber) at sa mga grandparents (FB messenger) pinaggagawa namin habang tolerable pa yung pain na nararamdaman ko. Habang nagkukuwentuhan kami nila kuya at AM, biglang naramdaman ko na lang yung sudden flow na mainit na hindi ko makontrol. Pumutok na ang panubigan ko ng 11AM. Pinatawag ko agad si nurse Flor at may dala-dala na siyang pamalit na bedsheet, gown, at pad. Sobrang diring-diri ako kasi nga icky yung feeling. Walang tigil yung pagbuhos ng panubigan ko.
At ayun na, nagsimula na yung extreme pain. Kung noong una nakakausap pa ako, nitong pumutok na panubigan ko, hindi na ako makausap sa sobrang sakit. Kung naranasan niyo na yung nalipasan na ng gutom tapos parang hinahalukay sikmura niyo, i-times 4 mo yung sakit na iyon tapos sa lower abdomen siya masakit. Pinatabi ko pa si AM sa akin kasi gusto kong may mahawakan...piniga-piga ko yung shorts niya imbes na kamay niya kasi baka mabalian siya sa akin. Haha! Pinaghahampas ko pa yung pader sa kanan ko tapos napapamura pa ako sa sakit. Hindi na nga ako makadilat the entire labor. Nagsuggest sina doc na bigyan ako ng Nubain as sedative para madecrease yung pain ko at makatulog ako kahit papaano habang naglalabor. Disadvantage lang nito e mas matatagalan pagbuka ng cervix ko.
Hindi muna ako pumayag noong una na magpa-sedate. Hangga't kaya kong tiisin yung sakit, tiniis ko. Kaso sumuko din ako. Gusto ko nang matapos lahat.
Ito yung sample ng labor:
Pagkaturok na pagkaturok ng Nubain sa IV ko, wala pang five minutes, tulog ako agad pero naririnig ko lahat sabay nanaginip. Nakakaramdam pa rin ako ng labor pero pang level 2 pain imbes na 3. Tolerable naman na siya.
Dahil 4 times lang pwedeng i-IE (internal exam) after pumutok panubigan, pipilitin namin na wag sagarin ng 4 yung pag-IE ni doc hanggang mag-5PM. Kapag makaramdam daw ako ng parang natatae na, patawag na siya sa office niya at baka yun na iyon. Noong nakaramdam na ako non, in-IE ako ulit at 3cm pa rin cervix ko.
Mag-a-alasingko na.
Dahil 4 times lang pwedeng i-IE (internal exam) after pumutok panubigan, pipilitin namin na wag sagarin ng 4 yung pag-IE ni doc hanggang mag-5PM. Kapag makaramdam daw ako ng parang natatae na, patawag na siya sa office niya at baka yun na iyon. Noong nakaramdam na ako non, in-IE ako ulit at 3cm pa rin cervix ko.
Mag-a-alasingko na.
Kaya't kinausap na kami ni doc kung ano na desisyon namin kasi ayaw na niyang paabutin ng 12 hours yung labor ko at baka matuyuan na ako by that time. Gustuhin man namin lahat na normal ang delivery lalo na't di kami handa ni AM financially, priority namin si Apollo.
E M E R G E N C Y C S !
Kaya pinahupa muna ng kaunti yung Nubain saka nila ako dinala sa Binakayan Hospital and Medical Center.
Pinasakay ako ni doc sa SUV nila tapos nakabuntot na lang sa amin sina Arjay at Kuya Bobby. Buti na lang talaga dumating pinsan ko doon nang may kasama si mahal. Siyempre matataranta pa rin iyon kahit papaano.
Buti na lang may pass sina doc doon sa EPZA at pinayagan sina Arjay na sumunod miski walang sticker yung kotse...nakita naman kasi ng mga guards na nag-la-labor na ako.
Karipas pag-drive ni sir (asawa ni doc).
Pagkadating namin sa emergency driveway ng ospital, di agad ako makahiga doon sa bed na nakaabang kasi nagcocontract ako ng matindi. Tsaka gusto ko makita na dumating na rin sina Arjay doon. Bumaba agad si kuya Bob para samahan na ako habang magpapark pa lang si mahal.
Buti na lang naiintindihan ng mga nurse kaya pinahihinga nila ako ng malalim kasi nakakatulong siyang i-ease yung pain.
Pagkahiga ko, diniretso na nila ako sa receiving area bago mag delivery room. Dami nilang tinatanong sa akin tapos may pinapapirmahan pa e ang haba nung babasahin jusmiyo! Gusto ko nga silang pagsasabunutan noon kasi kita na nilang intense na yung pain ko, ang dami pa nilang tanong e nandoon naman na si kuya at si mahal. Hahahaha! Tapos hilong hilo ako noon dahil hindi pa totally nag-we-wear off yung Nubain kaya medyo blurry paningin ko at madilim (although madilim naman talaga yung ospital na iyon).
Pinagbibihis nila ako habang nakahiga ako. Doon ko din narealize na wala na akong pakialam kung makita nila akong hubo't hubad. Sakit na e! Hahaha. Kung dati concern ko e ayoko may ibang makakita ng katawan ko maliban sa mga female doctors and nurses, ngayon, keber! Gusto ko na ilabas si Apollo para safe na siya.
Delivery Room
Pagpasok ng delivery room, binuhat ako ng mga nurses para ilipat sa pinaka operating table.
Maluwag yung room. Tapos nasilayan ko pa si doc, kalmado lang na nakaupo sa isang tabi at may ginagawa sa cell phone. Then pinakilala niya sa akin yung mga doctor na kasama niya. Yung anesthesiologist nga kamukha ni Jomal ng Kamikazee. Haha! Napa-"Jomal, ikaw ba iyan?" pa ako. LOL.
Alam mo yung mga eksena sa mga medical TV series, doon sa point of view ng mga pasyente na wala na sa sarili. Yung tipong may vignette pa nalalaman doon sa nakikita tapos blurry tapos puro ilaw na lang nakikita mo. Ganern ang ganap ko ng mga panahon na iyon. Naalala ko na lang huling sinabi ni doc bago ako makatulog e nabigyan na ako ng Nubain.
Pagising-gising ako habang inooperahan ako. Nagising na lang ako one time nung may naramdaman ako na parang slight hapdi sa left arm ko. Nagpaalam naman yung nurse na kinuhanan niya ako ng skin. Then tulog ako ulit.
Tapos gising ako ulit, maririnig ko may music sa background. Alam ko kasi yung kanta. Pero di ko na maalala ngayon hahaha! Sabi ko pa nga sa sarili ko noon, "cool huh, parang Grey's Anatomy lang." LOL.
Tapos ginising nila ako nung nailabas na si Apollo.
Palakpakan sila after. :)
Unang reaksyon ko, "Kamukha ni daddy," sabay tanong, "Kumpleto ba kamay, paa, mga daliri? Kulot ba o unat?" Natawa yung nurse at inassure ako na kumpleto at kulot si baby. Makapal nga daw buhok at ang haba.
At akala ko i-skin-to-skin nila sa akin si Apollo ng matagal. Ilang segundo lang ang nangyari :'( Tapos dinala na agad sa tabi para sa tests. Nakatingin na lang ako sa malayo pero groggy ako sobra.
Nakatulog na lang ako ulit. Tapos nagising ako habang nagsasalita ako ng "Aray, aray, mahapdi." Nahahapdian kasi ako talaga pero tolerable. Kalmadong tanong lang ni doc sa isa pang doc na kung bakit nagsasalita daw ako. E tinatahi na pala nila ako non. Biglang nakatulog na ako ulit.
Tapos naalimpungatan lang ako nung palabas ng delivery room tapos pinasok nila ako sa recovery room, as I assumed. Dami nilang tanong, kung sino-sinong nurse, pero nakakasagot naman ako ng straight miski groggy ako, tapos makakatulugan ko sila. Ganun ng ganun for two hours or so yata.
Tapos nagising na lang ako may nagpapaalam na nurse from NICU na pipisain yung dede ko para malaman kung may gatas, e wala pa rin.
Nagising na lang ako ulit nung may sumisigaw sa labor room. Kawawa yung babae kasi wala siyang kasama. :( So sa gabing iyon, ako lang ang pasyente tapos siya sumunod, then may isa pang sumunod na manganganak non.
Nakatulog na ako ulit at naalimpungatan na may isa pang nanganak na dinala na sa recovery room.
Nagising na lang ako ulit noong narinig kong may dalawang nurse na pumasok at kukunin na ako nung isa para dalhin sa kwarto. Sabi pa nga nung isa kung kaya niya bang isa lang siya na magdala sa akin sa kwarto. Tapos sinamahan na siya. Naalala ko pa yung short journey papuntang kwarto pero super blurry pa ng vision ko at groggy pa kasi.
Pagpasok ng kwarto hinanap ko agad si Arjay. Nasilayan ko agad yung silhouette niya na nakaupo siya at may yakap atang unan o bag, tapos napatayo na lang bigla nung nakita ako.
Tinanong pa nga niya yung mga nurse kung kaya ba nila kasi nitong kinwento sa akin ni Arjay na maliliit daw kasi yung mga nurse, e ang laki kong babae. HAHAHA! Kaya tinulungan na lang niya akong ilipat sa kama.
HEALING
Ang hirap pala ma-CS!
SOBRANG SAKIT ng tahi ko. Hirap gumalaw, as in! Kaunting kibot, ang sakit sakit.
Hindi ako nakakaramdam ng gutom sa sakit, which is okay, kasi bawal pa mag-solid food.
Hinihintay munang mautot ako tapos maihi at later on, nung pwede na ako kumain, ang magbawas.
Yung dalawang araw na pag-stay ko doon, feeling ko ilang linggo na kami nasa ospital. Hindi talaga healthy mag stay sa ospital! Haha!
Maya't maya din yung routine check sa akin kaya di rin kami makatulog ng diretso ni mahal.
Nakarating pala yung kapatid ko at asawa niya noong nasa delivery room na ako, kaso may curfew mga visitors kaya di na kami nakapag-pang-abot.
Naalala ko pa nga noong nakaramdam na ako ng pagwiwi, si Arjay e kasalukuyang naliligo. Tapos biglang may kumakatok sa pinto e di ako makatayo, tapos si Arjay hindi makalabas ng banyo kasi wala siyang tuwalya. Haha! E bigla akong nawiwiwi.. Karipas siya ng pagbihis tapos takbo sa nurse station para bumili ng bed pan. Pagdating sa kwarto, nilagay niya agad sa pwetan ko, kaso ang malala, baligtad yung lagay niya. Yung saluhan nasa may hita ko. Haha! E di alam mo na ang nangyari, buhos ang wiwi ko sa kama. Ayun, bili na naman kami ng binder (Php 300) sa kanila, tapos pinalitan na nila damit ko at bed sheet. Buti na lang wala pa si baby non sa kwarto.
Pagdating ni Baby
Kinabukasan na (pagkapanganak) ng gabi dinala si baby sa amin. Wala man lang bed para sa kaniya. Katabi ko pa si baby mismo. Tapos formula milk na naibigay sa kaniya kasi wala pa rin akong gatas :( Ang masaklap, hindi nila na-cup feed. Pinag-latch ko muna siya, effective naman, kaso wala ngang gatas kaya nalungkot ako. Similac yung pinrescribe sa amin.
Super cute ni baby! Ang haba haba niya! Tapos ang pula-pula! (Makikita niyo na lang sa video hehe).
Paglabas ng Ospital
Pinauuwi na kami ni Doc Lacoste noong Sabado na para mas makapag-heal ako. Alam niyang mas nakakadagdag pressure at stress kapag nasa ospital.
Nakakatakot yung bayarin. Juskolerd. Umabot ng 90k! Naiyak ako non kasi wala kaming ganoong pera ni Arjay. Yung ipon namin pang-normal delivery lang kasi sobrang kampanti kaming lahat na normal kong mailalabas si Apollo.
I-credit card sana doon sa kapatid ko, kaso ang problema, hindi sila natanggap ng check o credit card! Cash basis only ang BHMC (o dahil Holy Week? Pero miski na)! Mapapamura ka lang talaga e. Hindi praktikal yung patakaran nila. Walang tao ang makakapaglabas ng ganoong halaga ng biglaan lalo na't holiday at weekend pa!
Bibigyan sana kami ng one day free stay ng ospital, e tanga sila, linggo naman iyon, wala pa ring banko na bukas non diba? Nakaka-stress.
Kaya ginawa ni Arjay, pinakiusapan niya yung doc namin at iba pang doctor na kung pwede sa Monday na lang PF nila para makahiram kami ng sapat na pambayad sa hospital fees lang. Salamat sa Diyos at pumayag silang lahat. Hindi rin nila alam na cash-basis lang yung ospital.
At sa wakas nakalabas na rin kami ng ospital!
Post Partum
Ikukwento ko sa inyo sa susunod na post yung post partum depression ko. Yes, nangyari siya sa akin na hindi ko inaasahan.
Comments
Post a Comment