Recipe | Guisadong Bagoong Alamang (Shrimp Paste)

Sa sobrang ayaw ko ng MSG sa lutong pagkain sa bahay (dahil nag-ju-junk food na rin kasi kaya bawas intake na non), lahat ng recipes na shine-share ko sa inyo ay MSG-free at hangga't kaya ay made-from-scratch.

Puwede niyong pagkakitaan din itong pag-ba-bagoong! :D

Tatagal ito ng mga 6 na buwan sa sealed bottle/jar sa loob ng ref.



Ingredients:

3 cups alamang
3 red onions, sliced
4 cloves garlic, minced
4-6 cups white vinegar
4 tbsps white sugar
2 tsps black pepper
2 labuyo, chopped
3 tbsps oil
1-2 cups water


Procedure:


  • Hugasan at salain yung alamang.  Madalas kasi naasinan na iyan sa palengke.
  • Igisa yung sibuyas tapos idagdag ang bawang.  Kapag nangamoy na yung bawang, ihalo yung labuyo.
  • Ilagay yung naisalang alamang at haluin ng mabuti.
  • Hayaang kumulo at haluin paminsan-minsan.
  • Kapag medyo nag-brown na ng kaunti yung alamang, ibuhos yung suka hanggang sa ma-cover niya yung alamang.
  • Hayaang kumulo ng ilang minuto bago mo ito pwedeng haluin.
  • Idagdag yung sugar at black pepper.
  • Occasionally stir.
  • Kapag natuyo na, dagdagan ulit ng natitirang suka (o depende sa panlasa mo) at hayaang kumulo ulit hanggang sa matuyo.
  • After matuyo ulit, ibuhos ang mantika at i-gisa ang alamang.
  • Maglagay ng tubig at haluin.
  • Pakuluin ulit ito hangga't sa mag darker pa yung kulay nito.
  • Tikman para ma-i-adjust niyo pa yung lasa.


Video:





Comments

Popular Posts