Affordable Getaway in Tanza, Cavite!

Siguro iilan sa inyo napanood na yung quick tour namin sa Amanda's Resort sa may Tanza, Cavite.  Sa mga hindi pa, scroll down.

At para sa mga nagtatanong kung magkano yung entrance etc (lalo na kapag tamad kayong mag-research sa Facebook), i-she-share ko sa inyo yun dito!

Hangga't hindi pa tuluyang nag-uulan, sulitin na ang summer escape!

But first, gusto ko lang po linawin na hindi po ito paid post huh.  Marami na kaming napuntahan na resto, swimming areas.  Miski nakapag-video kami sa mga iyon, binubura ko na lang kung may negative kaming masasabi about sa lugar. Ayoko na lang iendorse yung lugar kung panget lang din naman sasabihin ko diba? Share positive thoughts, ika nga.

So ito na nga, ang Amanda's Resort sa may Tanza, Cavite.

From main road (kung galing ka sa Manila, Centennial Road, Tejero), kakanan lang po kayo after ng Puregold - Jollibee Tanza.  Kaunting kembot lang, sa left side yung Iglesia ni Cristo tapos lagpas non kaunti yung resort.

I-Google maps niyo na lang at ayoko na mag-spoonfeed hahaha!  Kung dati marami akong time mag-edit ng photo/map, ngayon sinisingit ko na lang itong pag-blog/vlog hehehe.

Anyway, first impression, S-O-S-Y-A-L!  Para akong nasa Makati-BGC.  Modern ang peg nila tapos mapuno.  Yung service, pak na pak!  Mayroon silang trolley para madaling dalhin yung mga baong gamit at pagkain papunta sa i-re-rent niyong cottage/cabana/villa/hotel room. YES! Puwede pong magbaon ng mga lutong pagkain (at mga iihawin).

Malinis yung restrooms nila (although may kauting mga lamok..pero nung 2nd visit namin, wala ng lamok).

Tapos libre pa yung paggamit ng grill.  Maraming grill sa bawat cabana at sa dulo (cottage area).

May sink din sa bawat cabana, villa, at sa dulo ng resort.

Mura yung mga tinda nila na mga ice cream at kung anik-anik. Limang piso hanggang sampu lang patong nila kaya not bad.  Mayroon din sila floaters para sa babies kung sakaling last minute e gusto niyo may ganoon babie niyo.

Bumili lang kami ng yelo sa tindahan sa labas.  Katabi lang ng resort (nasa right side kung palabas ka ng resort).  Or kung kulang pa chichirya niyo, may Puregold na malapit.  Tapos pwede ka pa magpadeliver sa Jollibee, Mcdo, Chowking! :)  Pwede kang makitawag sa kanila sa may front desk.

Trash bins are everywhere. Siguro naman may kahihiyan kayo na huwag magtapon kung saan-saan, no?  Pansin ko kasi sa ibang resorts, nasa harap o likod  na nga ng mga guests yung basurahan, nagtatapon pa rin sila sa tabi-tabi. Ang ba-baboy at iresponsable tapos sisisihin yung facility na madumi.  Kaasar.

Bago pa ako tuluyang mag-rant, ito na yung rates as of May 2018. Better check their Facebook Page for real-time updates.

ENTRANCE RATES

Adult - Php 200
Kids - Php 170 (4ft below)
Senior - Php 160

Kids 2ft below are FREE


COTTAGE RATES

Umbrella (2-4 pax) - Php 500
Cabana (10 pax) - Php 1,200
Lower Villa (20 pax) - Php 2,000 *plus access to Villa pool


HOTEL ROOM

Php 3,500
Good for 2-4 pax maximum of 5 pax
Fully air-conditioned room
Twin-size bed
Sofa bed
Each room comes with 4 complimentary entrance


UPPER VILLA ROOM

Php 4,500
Good for 2-4 pax maximum of 5 pax
Access to Villa Pool
Fully air-conditioned room
Twin-size bed
Sofa bed
Each room comes with 4 complimentary entrance


SCHEDULE

8am - 10pm Weekdays
8am - 12am Weekends


RULES & REGULATIONS

1. Appropriate swimming attire required.
2. No Alcoholic Beverages. Php 1,000 fine sa mahuhuli.
3. No Breakable items ("Babasagin").
4. Pets are not allowed.
5. No cooking & electrical equipment. (Grilling area available)


--

So, ayun, sana naman na-entice ko kayo lalo na sa mga gusto ng last-minute gimik bago magpasukan.  Super affordable, maganda, at safe for kids!

Kung gusto niyong silipin ang itsura, check our video below:



Comments

Popular Posts