Recipe | Bro-Cauli-Pechay

Halos lahat tayong mga nanay e gustong makatipid pero may quality dapat.  Pero personally, pagdating sa pagkain, ayaw kong magtipid.  Kung kaya naman magtipid in terms of gagawan ng paraan para masustansiya at marami yung maihahanda mong food, nagluluto ako ng madadaling ulam na mabibili yung ingredients sa palengke.

Alam niyo naman siguro na kaunti lang usually ang choices sa palengke lalo na pagdating sa gulay.  Kaya nagluluto ako ng gulay na tipong napapakain ko asawa ko e samantalang hindi siya mahilig sa gulay noon.  :)

*Nutrition facts at the bottom of the recipe*



At dahil mahilig sa gulay si Oyo, nataon na mura yung cauliflower at broccoli noong nakaraang linggo, kaya naisipan kong iluto ito. Wala na ring laman yung ref namin kaya kung ano pwedeng ihalo, hinalo ko na.

Mayroon kaming tirang seared chicken noong gabi, kaya yun na lang hinalo ko imbes na ground chicken/pork/beef.  Tapos yung pechay na natira, sinama ko na rin para sustansya-overload ang ulam. :D

Pero puwede niyo rin palang hindi haluan ng karne yung recipe na ito kung gusto niyo ng full-vegan ang peg.



Bro-Cauli-Pechay


Ingredients:
  • 1/8 cup soy sauce
  • 1 tsp sugar of your choice (I used brown cane sugar)
  • 1/8 cup cold water
  • 1 tsp cornstarch
  • 3 cloves garlic, coarsely chopped
  • 1 large red onion, sliced
  • 1 small broccoli, chopped
  • 1 small cauliflower, chopped
  • 1 tali ng pechay, chopped
  • 1/8 kg ground chicken (or your choice of meat)
  • 1/2 cup water for boiling
Instructions:

  1. Igisa ang sibuyas hangga't mag-transluscent. Idagdag ang bawang.
  2. Ihalo ang ground chicken (o kung ano mang karne gusto niyo).
  3. Timplahan ng soy sauce at continuous ang paghalo hangga't maluto yung manok.
  4. Ihalo ang broccoli, cauliflower, at pechay.
  5. Lagyan ng tubig at hayaang kumulo hangga't tumingkad yung kulay ng gulay.
  6. Sa isang maliit na bowl, kanawin ang cornstarch sa malamig o room temp na tubig.
  7. Ibuhos yung cornnstarch sa sabaw at pakuluan ng isang minuto.
  8. Huwag kalimutang tikman. Adjust niyo na lang yung lasa according to your liking.
  9. Serve while hot.

Comments

Popular Posts