7 Situations That Irritates Some Pregnant Women

Malamang maraming mga kapwa buntis o mga nanay na ang makakarelate dito.  Pero yung mga sitwasyon na i-enumerate ko sa baba e based sa mga nararanasan ko hanggang ngayon.

Iisa-isahin ko yung mga nakakairita sa totoo lang pero nakakatawa tungkol sa pagbubuntis naming mga babae.  Don't blame our pregnancy hormones kasi pawang katotohanan naman po ito:


1. Unsolicited pregnancy advice from single, childless people.


Nakaranas na ba kayo ng mga biglaang payo ng mga tao sa paligid niyo, most specifically sa mga hindi pa nabubuntis (at lalo na mga lalake pa na wala pang anak)?  For sure madalas din kayo makarinig ng unsolicited advice sa kanila.  Haha!

Napansin ko nga, mas nag-a-advice pa yung mga walang anak kaysa sa may mga anak.  As in makakarinig lang ako ng payo mula sa kapwa ina/ama kapag tinanong ko lang sila.  

Hindi kasi alam ng nakakarami na ang pagbubuntis ay hindi magkakapareho ng sitwasyon -- lalo na sa history ng health nung nagbubuntis.

Wala namang masama sa pagbigay ng advice, pero mas panggulo lang kasi sila kasi taliwas sa sinasabi ng doktor. Lol. Yung mga doktor nga iba-iba yung practices nila sa duration ng pregnancy at sa birthing process na hindi aayon sa gusto mong mangyari o hindi ka kumportableng gawin, tapos gagatungan mo pa.

At yung laki po ng baby, hindi po siya problema sa panganganak.  Yung problema po e kung maliit ang sipit-sipitan mo talaga, kahit anong liit pa ni baby, mahihirapan ka pa ring iire siya kaya kadalasan emergency CS (ECS) yung nangyayari.  Hindi po hawak ninuman ang mangyayari sa panganganak, depende po lahat iyon sa sitwasyon during labor/delivery at sa sistema ng katawan nung ina.

Sobrang natawa kami ni AM sa video na ito ng BuzzFeedYellow kasi totoo siya.  Pero karamihan sa mga nag-a-advice dito mga may anak naman.





2.  All eyes on you by unpaid weight-watchers.

Tulad na lang sa akin, naiirita ako tuwing may nagsasabing, "bakit biglang laki ng tiyan mo?" ek ek ek, pero mas madalas, "parang tumaba/lumaki ka yata."  

Photo from this Mommyish.com.

Una sa lahat, buntis po ako.  7 months na nga e, ano expect mo, maliit pa tiyan ko at ala-model dapat itsura ko?  Hindi po ako payat prior to my pregnancy.  Kinonsider mo ba yung frame ko?  Big-boned ako, matangkad at malaki kaha ko.  E kung purong bata tong nasa tiyan ko at mahaba siya, may magagawa ba ako?  Isip muna ha. :p

Alam mo yung diet, hindi rin uubra kasi buntis po ako.  Unless advised ng OB ko mismo na kailangan kong magbawas lalo na sa sugar.  So far, based sa recent check-up ko noong January 19, tama naman yung weight ko at size ni baby, pati na rin blood pressure ko.  Bakit kita pakikinggan?

At hindi nila alam yung condition ko na may acid reflux ako na nagreresulta ng pag-bloat ng tiyan ko after ko kumain.  Exagge yung pag-produce ng gas ng bituka ko kaya nagreresulta sa pag-bloat (ng tiyan lang ha).  Miski hindi pa ako buntis, nagkakaroon ako ng food baby.  Lol.

Bawal sa akin lahat ng pagkain maliban lang sa oatmeal.  That's the sad truth.  E kaso kailangan kong kumain ng kung ano-ano para kay baby.  Bawal sa akin mamantika, maanghang, dairy, gas-producing veggies/fruits tulad ng broccoli, cabbage, garlic, sibuyas etc., tapos bawal din yung maasim like kamatis, citrus fruits, etc.  Tapos slow metabolism pa ang lagay ko, kaya constipated galore -- e buntis pa ako, so alam niyo na ang bloatness ng tiyan no.  Kaya todo nguya ako sa food (buti na lang may prob pa ako sa isang ipin ko sa kanan, so more excuse to chew my food sa left ng bongga) kaya normal na ulit bowel movement ko.

Pero siyempre may mga weight-control watchers ako na hindi ko binabayaran.  HAHAHAHAHA!  Sila yung mahilig magpuna ng weight/itsura ko (e hindi nila alam na rubber band yung katawan ko...mabilis mag-gain, pagka-pupu, umimpis na ulit buong katawan ko).  At karamihan sa kanila, sorry na lang, e hindi pinupuna ang sariling itsura o ginagawa.  Lol.  Practice what you preach ika nga diba?

At isa pa, sa pregnancy ko na ito, pansin namin ni AM (at based sa fact na sinabi na mismo ng OB ko) na kapag pagod ako, tumitigas yung tiyan ko tapos lumalaki, at bumibigat si baby kaya hirap ako pumaling pag natutulog o kaya hirap ako maglakad.  Indication na pagod at stressed si baby.  Yung 15-minute walk sa akin, parang 3 hours walk na ang katumbas.  Nag-iba pa yung position ng mga internal organs ko dahil sa position ni baby so mas hirap ako maglakad. 

Hirap maglakad = more effort = more stress/pagod = bloat o paninigas ng tiyan o pagbigat ni baby.

Kaya mas madalas nakaupo ako.  Nag-pre-prenatal exercise (low-impact) at kaunting linis lang sa bahay (pero ako nakatoka sa pagluluto).  Si AM gumagawa lahat ng linis. 



3.  Ang walang katapusang tanong na, "Ano na gender?"

Miski naman kami gusto na namin malaman yung gender ng baby namin no.  

Karamihan iyon yung concern para makabili na sila ng gamit ni baby.  Alam namin na excited din kayo, pero nakakadagdag kayo ng pressure sa aming mag-asawa.  Kung ang rason e para makabili ng gamit, sa totoo lang, disposable diapers ang best gift (o kaya yung cloth diapers pero overwhelming pa siyang alamin).   Kung sa gamit naman, hindi naman kailangan pink at blue lang.  May brown, white, green, yellow... lol.

Photo grabbed from this link.

But seriously, budget yung major prob maliban sa hindi kami makapag-decide kung 2D o 3D ba yung i-avail namin na service.  

Mas gusto ko kasi 3D with CAS (Congenital Anomaly Scan) kaso wala akong mahanapan dito sa Cavite.  Preferred ko iyon kasi mas makikita yung overall form and health ni baby, maliban sa gender.  Para mapaghandaan namin ng maigi yung magiging sitwasyon on my last semester at sa paglabas niya.

Mayroon naman 3D ultrasound dito sa Cavite pero sa Dasmarinas pa, tapos mahal.  Yung sa Bacoor naman, hindi maganda yung reviews at medyo kamahalan din tapos wala pang CAS -- meaning, may additional fee pa na 1k to 2k din.

Nakakatawa pa nito, nung nagiinquire ako ng mga ultrasound services malapit dito sa amin, sa iba't ibang clinics o hospitals, puro bopols nakausap ko.  Sasabihin mayroon silang 2D lang, tapos pag tatanungin ko kung magkano yung 2D na pang-pelvic (buntis), biglang sasabihin, "Ay, wala po pala kaming ultrasound."  Labo.  Twice iyon nangyari ha.  

May nahanap naman kami pero ang layo, gasolina, toll fees naman kami talo.  Tapos yung isa naman, sa may Robinson's Malate.  Okay na sana kaso nanghihinayang ako sa babayaran.  Php 2,500 din iyon.  E mahina raket ni AM lately at patay kasi ang music industry ng January to mid-Feb, kailangan naming magtipid.  Hindi pa ako maka-bag ng trabaho online, tight competition at ngayon lang naayos yung prob ko sa PLDT.  

Buti na lang sa may Robinson's General Trias, may bagong bukas na St. Michael's Medical Center (diagnostics clinic siya, actually).  Nung nag-inquire kami doon after ko maghulog sa PhilHealth, sakto Php 350 lang yung pelvic 2D ultrasound.  Kaya doon na lang kami mag-pa-2D next week after ng gig nila AM this weekend since hindi na rin pasok yung number of weeks ni baby sa CAS.



4. Ang wish na, "Sana babae, "Sana lalake."

Karugtong din ito ng # 3.

Gets ko yung bawat gusto ng family namin pero nakaka-pressure iyong kung ano gusto nilang gender ha.  Kung kami ni AM tatanungin, kahit ano basta healthy at hindi sakit sa ulo si baby paglaki.  Haha!  



5.  Special treatment.

Nung hindi pa ako buntis, hirap yayain ng mga kaibigan ko sa bahay kesyo ang layo daw etc.  Pero nung nagbuntis na ako, sobrang na-appreciate ko naman yung effort nila sa pagdalaw sa akin kasi nga hindi ko kaya yung malayuan na byahe.  

Kung bumyahe naman kami, sobrang effort sa side ko miski pasahero lang ako habang si AM yung nagmamaneho ha (well, nakakapagod din magmaneho lalo na't may prob pa yung kotse).  Masakit sa balakang yung matagal na pag-upo miski may unan pa ako sa likod o kung anong paling gawin ko.  At magastos din!  Hindi kami mayaman ni AM.  Nasa struggling stage kami.  Back to zero kasi after malugi sa business.  Privileged lang po na napundar na bahay ng mga magulang ko ay maganda at may sasakyan kaming nahihiram parati na aming inaalagaan.  Mukha lang po kaming mayaman.  Haha!

Nung umakyat nga kami ng Tagaytay, sinundo pa kami dito nung kaibigan ni AM kasama asawa niya na buntis din.  Nakaupo lang ako non ha, pero pagod na pagod ako pagdating namin ng Tagaytay na mismo.  Hindi kaya ni baby yung transition from lowland to upland.  Sobrang sakit nung stretch niya the entire journey/trip.  Kaya expand kung expand yung tiyan ko (related to #2).

Kung dati rati, ako parati yung dumadayo para lang makipag-meet, ngayon sila na.  Haha.  Ito yung nakakairita na nakakatuwa sa pagbubuntis.  Kasi hirap magbuntis pero masaya din kasi nga mas may care sa iyo yung mga tao na nasa paligid mo.



6.  Ang nakakasorang, "Bawal ang kape o kahit anong caffeinated drinks."

Hindi po siya bawal.  May certain allowed amount of caffeine intake po per day (around 250 ml or 1 cup).  Yung rason naman kaya as much as possible refrain sa coffee ay dahil sa palpitation at baka magka-UTI.  

Photo grabbed from this link.

Tulad ko, madalas ako mag-palpitate.  Aside from rubbing my thumb when it occurs (it works!) para mag-subside yung palpitation ko, iwas ako sa kape o any caffeinated drinks.  Kung mayroon man, literal na sip lang para malasahan ko sabay wash out ng maraming tubig.  Tapos may history din ako ng UTI, kaya talagang iwas ako sa colored drinks.  Ginamot nga muna namin yung UTI ko during my 1st trimester.  Water and buko juice madalas intake ko.  :)

Depende po talaga yung mga bawal sa health nung nanay.



7.   At ang,"Bawal ang sweets."

Hindi po bawal ang sweets, bawas lang. Sabi din po iyan ng OB ko. Kailangan pa rin po ng katawan natin ng glucose para protektahan yung nerves at important organs.  

Ayaw mo pang maniwala? Read this link and this link.



Although, kapag unhealthy sugars naman intake mo hindi siya okay kung sobra kakainin mo.  Mahirap iwasan iyon sa ngayon at dahil hindi naman lahat ng restaurant o mga ready-made desserts na nabibili mo e gawa sa mga healthy sugar alternatives.  Kung may ka-share ka, tikim tikim ka.  Don't deprive yourself lalo na't buntis ka kasi mas mapaparami yung intake mo kapag dineprive mo sarili mo.

Everything is in your control and in moderation, miski fruits pa iyang tinitira mo.  Yung ripe mango nga dapat sobrang kaunti lang intake non kasi mataas siya sa sugar sa lahat ng fruits, sabi po iyan ng OB ko.  E kung talagang pasaway ka na nagkakakain ka ng sweets at junk tapos hindi ka naman nagpapapawis, e talagang makakaproblema ka niyan sa health mo in the long run -- at baka maka-develop ka ng gestational diabetes.


---

Ano nga ba exercise ginagawa ko habang buntis?  Sa susunod na post ko i-enumerate yung mga YouTube pregnancy exercise videos na sobrang fave ko.  :)

Comments

Popular Posts