Stretchmarks

25 weeks na ako at wala pa rin akong nakikitang stretch marks.

Tuwing kailan nga ba nagkakaroon nito?  Sabi nila, tuwing tumutubo na buhok ng bata, saka ka mangangati.  Based sa mga articles at sa mga kakilala ko na nagbuntis, sa 2nd to third trimester daw tutubo yung hair ni baby.  Pero so far, hindi ako nangangati.  Mangangati lang siguro kapag may kagat.  More on himas nga ginagawa ko kesa kamot, although, pinaiiwas sa akin ni doc maghimas ng tiyan kasi baka bumaba si baby.  Sabi naman sa ibang articles, hereditary naman daw iyon.  Kaya mahiwaga pa rin siya sa akin kasi maraming 'sabi-sabi' at mga scientific explanations.




Kaya, hindi ko iniistress sariliko sa stretchmarks.  Pahid lang ako ng pahid ng VCO (virgin coconut oil) miski noon pa, bago ako magbuntis.

At dahil nakaugalian kong magpahid ng VCO, hindi siya naging hassle sa akin nung nagbuntis ako. Every after bath ako nagpapahid sa mukha, leeg, boobs, tiyan, likod, pwet, singit, hita, at kamay.  Imbes na mag-nipple cream ako, VCO gamit ko.  Mas tipid.  At sobrang fan ako ng VCO hehehe.  Miski sa scalp ko naglalagay ako.  Buong katawan! Basta sobrang okay siya sa katawan.  Chemical-free pa.  Hindi kasi talaga ako fan ng mga facial o skin products, lalo na lotion.  Nung na-discover ko yung benefits ng VCO, ayun, bukang-bibig ko na siya.  Tuwing may makati o kaya may pimple, papahiran ko ng VCO, tapos mawawala siya.

Ito nga pala yung madalas ko binibili kasi siya yung affordable sa market (SM grocery na malapit sa amin): SM Bonus Virgin Coconut Oil.  Mga Php 140-160 siya.  Hindi ko kasi matandaan yung price.  Update ko na lang kung sakaling makabalik ako sa grocery.  :)



Branding at packaging naman kasi yung pinagkaiba niya sa mga available sa market.  Tsaka nagso-source naman yung mga SM Bonus products sa mga kilalang brands ng bulkuhan, iniiba lang nila yung tatak siyempre para mas mura.  Pero siyempre, hindi nila idinidisclose yung sources nila.

Pansin ko din wala masyadong nag-re-review nito kasi, nakakatawa, pero may nabasa akong isang blog na kaya di niya binibili ito kasi baduy yung packaging miski mura.  May sense naman sinabi niya since malaki respeto ko sa packaging.  Mahalaga iyon lalo na't nagbebenta ka ng produkto.  Pero dahil nasubukan ko naman yung product na ito, nag-stick na ako dito.  Mura pa.  Hehe.  Iyon naman mahalaga, swak sa bulsa tapos mabisa. #waisnananay

Mag-u-update ako kung talaga bang mabisa yung VCO para sa anti-stretchmarks. Kaya mag-o-obserba ako hanggang sa pagkapanganak ko.



Comments

Popular Posts