Recipe | Chicken Tomato Stew

Isa sa pinakamadaling lutuin sa bahay lalo na't kapag sawang-sawa na kayo sa usual na adobo, tinola o pirito na ulam.

At dahil gusto ko ng gulay, tomato, at chicken, naisipan kong gawin na lang itong stew na ito.   Similar siya sa chicken afritada o kaya pochero. :)





Ingredients:

1/2 kg chicken, tinola cut

4 cloves of bawang, chopped

2 maliit na sibuyas, chopped

2 maliit na patatas, diced

1 cup tomato sauce (yung homemade o nasa lata o tetrapak)

1 cup tubig

1 tsp dried thyme (pwedeng fresh thyme kung mayroon pero sa huling pagkulo niyo na ilagay)

1 small green bell pepper

1 tie of bok choi / pechay

Salt and pepper to taste

Rock salt para sa manok

Canola oil pang-pirito


Procedure:
  1. Asinan ang manok.  Hugasan ng maigi.  Lagyan ulit ng kaunting asin.
  2. Painitin ang kawali sa medium high heat.  Lagyan ng mantika.
  3. Ipirito ng saglit ang manok hanggang mag-brown lang siya.  Huwag ipirito ng tuluyan.
  4. Ilagay ang bawang, sibuyas, patatas.
  5. Ibuhos ang tomato sauce at tubig.
  6. Idagdag ang dried thyme.  Kung sariwa, ilagay lang ito habang sumusubo yung stew mga 2 minuto bago ihain.
  7. Hayaang kumulo sa medium low heat (slow-cooking) hanggang sa lumambot na yung patatas at tuluyang maluto ang manok.
  8. Idagdag ang green bell pepper at bok choi (pechay). Haluin at hayaang mag-simmer hanggang ma-half-cook yung mga gulay.
  9. Lagyan ng salt at pepper at tikman.  I-adjust niyo na lang yung alat base sa kagustuhan niyo.
  10. Ihain kasabay ang masarap na sinaing.


Pwede niyo ring panoorin yung recipe video dito:





Comments

Popular Posts