Bawal ang Pusa? :(

Sa mga nakakakilala sa akin, alam nilang mahilig talaga ako mag-alaga ng mga hamster, dogs, at lately pusa.

Nung bata pa kasi kami ng ate ko, may inampon kaming pusa.  Tinago namin siya sa loob ng Zesto box na binutasan namin.  Kaso, siyempre, mag-meow iyon kaya natuklasan din ng nanay namin kaya pinalayas.  Tapos nung college na yata ako non, may napulot akong kuting sa may Quirino Ave, papauwi pa lang ako non.  So sinakay ko pa siya sa bus hanggang sa hindi naman pumayag tatay ko na mag-alaga ako ng pusa since hindi pwede sa dorm, tapos ayaw niyang mag-alaga ng pusa.  Nilagay ko siya sa butas-butas na box at iniwan naman dun sa may Noveleta.  Huhuhuhu.  Sobrang guilty ko non.

Kaya never kaming nakapag-alaga ng pusa noon.  Aso, hamster, turtle yung mga naalagaan namin.  Mabaho daw kasi yung pusa.  E di kasi aware noon na kailangan ng litter box mga pusa para doon dumumi at magwiwi.

Tapos mga 2 years ago na, may napulot sila ate na pusa sa may puno ng santol namin.  Pinangalanan namin siyang Skittles.  Nung una, ayokong mag-alaga kasi dagdag gastos.  Kaso iba rin yung charm niya at yung lambing.  Kaya nung hapon na iyon pumunta agad si ate sa SM para bumili ng litter box at pagkain.  Hanggang sa nakapag-ampon pa ako ng isa, mga halos isang taon din nakalipas.  Snickers naman yung name niya.  Hehehe.   Kaya nga pala Skittles sa una, kasi favorite ni AM yung candy na iyon.  Itong pangalawa naman e fave chocolate bar ko naman kasi.  :p

Left: Snickers, Right: Skittles

Niloloko pa nga nila ako na ampon na ako ng ampon.  Mayroon kasing kuting din na nasa ilalim nung kanal (tuyong kanal that time).  Ganda non!  Parang si Sylvester.  Black sa ibabaw tapos white yung ilalim at sa mga paa niya.  Pinakain ko lang at pinainom.  Ayaw ampunin ni AM e :(

Tapos yung isa naman umuulan kasi so nakisilong (naging chicks na ni Snickers ngayon iyon).  Ginawan din namin ng higaan at pupuan niya sa labas para safe and dry siya.  Pero syempre, di na naman pinaampon.  

Dumating naman itong kamukha ni Skittles pero kuting pa.  Ang ingay niya dun sa may flower pot namin.  Sa tingin namin isa sa anak ni Skittles na iyon e.  So inalagaan ko overnight, aampunin ko na dapat, pero ayon, niligaw ni AM.  :'(  Galit na galit nga ako nung time na iyon kasi sobrang napamahal na sa akin si Skippy.  Haha!  Oo, peanut butter naman name niya.  Wala lang.  Kasi kamukha niya si Skittles, might as well isang sweet name na nag-start sa letter S, kaya Skippy na name niya.  Kinuwento pa nga ni AM sa akin na habang nasa box si Skippy at naglalakad na siyang papalayo, napawiwi sa takot yung kuting.  :'(  Nakakaawa :( 

---

Pero nitong nagbuntis na ako, syempre, hangga't hindi ka magtatanong sa doktor mo, wala siyang sasabihin about sa mga ibang bagay na dapat iwasan o mas may in depth knowledge about sa mga topics na nalalaman mo along the way.  Hanggang sa yung kaibigan ni ate e minessage siya about sa bawal yung litter box sa buntis.  Hindi naman yung pusa yung bawal.  Kaso, siyempre, hindi mo naman mababantayan yung oras ng pagpunta niya sa litter box.  Hindi mo rin naman makikita kung saan agad pupunta yung mga alaga mo after nila mag-number one o two.  Kaya maikakalat lang nila yung dust ng litter box kung saan saan at ang baho ng paa nila after! :p  Kaya kailangan pang punasan.  Ang hirap pa man din paliguan na nila lalo na si Snickers.  Sugatan ka after e.  

Tapos, tiyempo, yung mga apps na dinownload ko (What To Expect at Baby Bump) e nag-bibigay ng update at mga facts about pregnancy on a daily basis.  Isa sa mga iyon e yung toxoplasmosis issue.



Sabi kasi nung mga sites na pinag-research-an ko e nanggagaling siya sa litter box, most specifically sa feline feces.  Direct contact ang magiging sanhi ng pagkakaroon ng toxoplasmosis.  E sino bang hahawak ng pupu in the first place?  Kaya nga may salaan sila e.  At nagsusuot ako ng plastic bago ko hawakan yung pangdakot/sala nila at sa trash bag.  Naka-mask din ako pag naglilinis.  Todo din hugas ko sa kamay, ligo, at alcohol ako after.  Pero since nalaman ni AM about doon, siya na naglilinis parati.  At daily basis namin siya nililinis. 

Pero ayon naman sa PetMD.com, sobrang liit ng chance para makakuha ka ng toxoplasmosis mula sa pusa lalo na't pag indoor cat sila, hindi nag-hu-hunt, at hindi kumakain ng raw meat.  E ganon naman mga pusa ko to begin with.  Pero pinalalabas namin sila from time to time para lang makapag-damo sila at maglulupasay sa semento habang maaraw, at mag-wander.  Umuuwi din naman kasi.  Kaso, siyempre, nakakasalamuha sila ng ibang pusa din.

Sabi pa nga sa article na iyon, mas magkakaroon ka pa ng toxoplasmosis sa pagkain ng hindi nahugasan na veggies, o undercooked meat.

---

Ano nga ba ang toxoplasmosis?  Isa siyang disease na kapag nagkaron yung buntis non dahil sa may direct contact siya sa pupu ng pusa o kaya sa kumain ng hindi nahugasang gulay o hindi sobrang luto na karne e mahahawa din si baby via the placenta.  Ang effect non sa bata ay birth defect o fetal death.  Nakakapraning no?

Grabbed from www.veterinariotrionfo.it

Pero yung mga babae na may toxoplasmosis na prior to pregnancy e hindi threatening kapag nagdalang-tao na.  Kaso kapag ikaw e buntis saka ka pa lang nagkaron ng toxoplasmosis, iyon yung delikado.

Wala siyang symptoms sa iba.  Kung mayroon naman, flu-like symptoms lang siya so mahirap ma-diagnose.


---


Simple precautions para sa mga buntis para hindi ka magkaroon nito:

- laging maghugas ng kamay before and after cleaning ng litter box (kung walang ibang gagawa non para sa iyo).

- hangga't maari, huwag palabasin mga alagang pusa.

- huwag pakainin ng raw meat.

- kung ikaw yung nagpe-prep ng lulutuin/kakainin, laging maghugas ng kamay (20 seconds) before and after humawak ng hilaw na karne.  

- lutuin ng maigi mga karne na kakainin mo.

- hugasan ng maigi yung mga gulay at prutas.  Ginagawa namin dito sa bahay, huhugasan muna namin by scrubbing (may sariling scrub yung veg at fruits), tapos ibababad sa tubig na may kaunting suka in 4-8 minutes.  Magsisilitaw mga dirt etc after.  Tapos banlawan ulit.


---

Pero sa ngayon, nasa labas na yung mga alaga naming pusa.  Menos linis na rin dito sa loob na bahay kasi wala na yung nagkalat na balahibo at alikabok (kasi kumakapit sa kanila yung alikabok ng bahay).  Kaso, miss na namin silang kasama matulog.  Madalas kasi nasa paanan namin sila tapos sila rin alarm clock namin.  Miss na rin nila kami.  Lagi nga nag-me-meow pag oras na ng tulog nila e.  Kaso bawal.  Baby first before kitties.  Pero at least nakakapag-adjust naman na sila kahit papaano.

---

Ikaw ba?  May alaga ka rin bang pusa?  Ano say mo?


Comments

Popular Posts