New Year, YouTube!

At dahil tanggap ko na na imposibleng makakuha ng trabaho sa kalagayan ko ngayon (buntis mode) miski online work, e might as well pour my ideas and creativity sa pag-blog at pag-vlog!

Yes!  VLOG!

Pero sa ngayon, sa recipes muna ako mag-focus.  Sinimulan ko muna sa madadaling recipes saka tayo mag-le-level-up.  Camera phone o kaya DSLR gamit ko.  Windows Live Movie Maker pa lang editing tool ko kasi wala pa akong budget sa Adobe o kung ano mang available na editing software mayroon ngayon.  Kaya tiis tiis lang muna sa kung anong mayroon. :)

Hihingi muna din ako ng powers sa lahat ng superheroes para ma-video ko sarili ko, kaya puro kamay ko muna makikita niyo.  Kung sa bagay, yung process naman yung mahalagang panoorin hindi yung dada sa recipe videos.  Hahaha! Ginawa kong private yung videos nung sa cafe kasi hindi na siya relevant... at na-bo-boring-an ako. Hahahaha!

Mag-iinsert din ako ng makeup reviews lalo na sa mga affordable finds ko para naman sa mga on a budget diyan na medyo skeptic sa pagbili nung item.  Although madalang lang iyong ganong videos kasi bumibili lang naman ako kung naubos na yung makeup na mayroon ako o kaya kapag kailangan ko lang ng bagong shade para sa event, etc.  At saka yung iba't ibang makeup look na gamit e iisang palette. Tignan natin ko maachieve ko iyon hahahaha!

Pinag-iisipan ko din kung ivovlog ko ba yung pregnancy at motherhood journey ko o hanggang sa blog na lang iyon.  Hmmm..  Pero mag-sha-share ako ng mga DIY ek ek! Dahil mahilig akong gumawa from scratch ng mga bagay-bagay. :)

Sana mag-subscribe kayo at share ang aking vlog!  This would really help me big time!

If you have any suggestions kung ano i-feature ko, feel free to comment below or send me PM (sa Facebook page ko) o kaya sa Instagram, o sa personal account ko (para lamang sa mga nakakakilala sa akin na nagbabasa nito).  Or might as well shoot me an e-mail: curlyscribblings[at]gmail[dot]com.  Kailangang hindi yung usual format ng e-mail ang isulat ko dito sa post na ito kasi maraming spammers/phishing na magaganap kapag xxxxxx@email.com yung inindicate ko.  Ayan, may tip kayo huh. ;)

Hindi ko ginawang private yung live gig videos nung SouthCard at Soft Pillow Kisses since marami pa rin naman nanunuod nung mga iyon miski palya palya minsan hehehe.

Mayroon pa nga pala akong ibang blog ha: mangoesbananas.  Blog siya na more on food, business, travel, lifestyle...basta walang halong family/pregnancy ek ek.  At English yung language ko doon para sa mga readers ko na foreigners.  Iyon lang pagkakaiba nitong dalawa.  Di ko rin siya mabitawan kasi malaki-laki na yung number of readers ko sa blog na iyon infer... kaso di naman naggegenerate ng income iyon.  Hahahaha!  Wish ko lang no. :p  Hindi ako marunong sa SEO na iyan.  Puro organic clicks lang ako sa ngayon.

Please, please support!  :*

YouTube: curlyscribbler


Comments

Popular Posts