Anxiety During Pregnancy

Praning.  That's how I would sum up my pregnancy.  Siyempre lahat ikatatakot ko since gusto ko yung best para sa bata.
Minsan nga hindi ko ma-feel na buntis ako, kaya mapa-praning ako.
May times naman na gustong-gusto ko marinig heartbeat ni baby pero hindi ko alam kung papaano.  Kung kailangan ko bang magpa-ultrasound ulit o anuman.  Buti na lang nung 3rd check-up ko, may doppler ultrasound na ginamit si Dr. Lacoste para marinig heartbeat ni baby.  Para siyang two-way radio.
display-handheld-ultrasound-doppler-1
Matagal bago mahanap si baby kasi heartbeat ko yung naririnig namin nung una.  Ayun pala nakapwesto pa rin siya sa lower right ng puson ko.  140 bpm si baby.  What a relief.  Halos hirap ako makatulog kakaisip ilang linggo na.
Tapos tinanong ako ni doc kung nararamdaman kong pumipitik si baby.  Mataas kasi tolerance ko sa pain kaya di ko siya napapansin at wala akong idea.  Although, hindi naman siya dapat masakit.  Parang may napitik sa mansanas lang yung tunog/pakiramdam.  Kaya days after ng latest check-up namin, dun ko na napansin na pumipitik si baby.  Pumipitik siya pag naiipit ko siya hehehehehe.  Nag-so-sorry ako kasi baka nasisikipan siya masyado.
11-weeks
11 weeks.  Parang busog lang :P
Dahil sa house arrest ako, madalas ako nagba-browse sa internet ng mga articles about pregnancy.  At siyempre, sa Facebook e lagi kang may makikita na nega na article or nakakaawang picture ng babies!  Mapapaisip ka din tuloy baka mangyari sa anak mo iyon, so dagdag stress siya.  Sabi ng iba wag ako magiisip ng mga ganon o magbasa, e kailangan mo rin naman maging aware kasi baka sakaling mangyari nga iyon sa iyo at sa bata, may alam ka kahit papaano ng solusyon o paano mag-cope sa sitwasyon.
Pero para balanse, manunod na lang ako ng YouTube vidoes ni ItsJudysLife para good vibes, o kaya mga series na kikiligin o papatawanin ako:  Gilmore Girls sobrang kilig at saya ko dun.  Brooklyn Nine-Nine o The Simpsons para sobrang tawa.
Since nung latest check-up ko, hindi na ako gaanong nabahala.  Pero nitong lumabas kami ni AM para maghanap ng damit sa kasal ng bestfriend (miski next year pa yon at sinasamantala ko ang sale), grabe pagod ko non.  Tapos bigla akong pinatawa ni AM, ayun, sobrang sakit ng puson ko.  Hindi ko mawari.  Kailangan pa namin maghanap ng mauupuan sa department store para lang mahimasmasan ako.  So far, wala naman akong ibang nararamdaman.
Ibabahagi ko naman sa mga susunod na posts e yung black stool ko, mood swings, at food intake ko.
Ikaw, bilang preggy o naging preggy, naranasan mo din ba yung praning mode?

Comments

Popular Posts