First & Second Check-Up
Sobrang excited kami sa check-up pero kabado din kasi nga hindi naman kami 100% sure kung totoo bang preggy ako, although, 99% accurate naman daw kadalasan yung result.
Habang nakatayo ako at nagfi-fill-up ako ng form sa may reception ng clinic, bigla na lang parang may kumikiliti sa binti ko, nung nakita ko kung ano iyon at saka lang ako sinabihan ni AM na huwag ako magugulat, nagtatatalon ako sa takot kasi nakita ko na may moth sa binti ko na paikot-ikot hanggang sa ulunan ko sabay pwesto doon sa inuupuan namin. May entomophobia at mottephobia kasi ako. Sabay kami nagsalita ni AM na, "Si daddy." Tatay ko kasi nag-pass-on na six years ago. Yung mga signs na nasa area siya e yung brown moth na kakaibang itsura...yun ang paniniwala namin. Sabi na lang namin ni AM na sobrang excited panigurado si daddy, kaso takot ako sa mga lumilipad o gumagapang e. Napatalon talaga ako noon hahaha!!!
Tapos nung kausap na namin si Dr. Vanessa Lacoste, hinihingi sa akin yung PT. Tinanong ko pa si AM bago kami umalis kung dalhin ko pa ba, sabi niya huwag na. E sabi ko para proof... dedma. Ayun, kailangan pala talaga. Buti na lang nakuhanan ko ng picture! :p
E yung ultrasound tuwing Friday lang available kasi nirerentahan lang yung equipment. Ayaw na namin ng palipat-lipat pa para sa tests para isang kuhaan lang ng result, etc. So, di kami makampanti hangga't hindi pa namin nakikita si baby. Nagpa-pap-smear ako, which is important lalo na sa mga edad 30 pataas na naisuko na ang bataan (you know what I mean) para ma-check kung may infection or STD ba, so better have yourself checked! Tapos kakapain din yung loob at itutulak ek ek para malaman kung may masakit ba pag pinindot sa bandang puson o anuman.
Pinag-urinalysis ako at within 15 minutes makukuha ko din yung result. Unfortunately, may UTI ako.
Niresetahan ako ng Zegen para sa UTI ko, at ang mahal niya (Php 30-40 yata per piece, basta mahal siya); folic acid, Folodin (Php 9) at pinaiinom ng Prenagen Mommy Emesis para mabawasan yung pagkahilo't pagsusuka ko, at the same time, may vitamins and minerals siya na magbebenefit ako at si baby, para lalo kaming maging strong at may energy. :) Chocolate flavor yung binigay sa akin ni doc, at ang sarap niya! Para lang akong umiinom ng Milo. At mas mura siya compared sa Anmum! Php 320-380 price range niya. Buti na lang available sa SM Rosario ito kasi hindi na nagsusupply yung med rep ni doc miski kinukulit nila.
Aside from pap-smear, kailangan kong mag-fasting para sa urinalysis (ulit) at blood work. Kaya dapat talagang sundin yung 6-8 hours na fasting. Dapat di ka lalagpas ng 8th hour kung magpapa-urinalysis o blood work ka kasi mag-iiba yung result. E kaso yung first attempt ko ay palpak kaya kailangan kong magfasting ulit at bumalik para sa tests. Saglit lang naman yun, wala pang 10 minutes.
That Friday, hindi ako ulit pumasok para sa ultrasound (at alam na ng ka-opisina ko na buntis na ako miski sobrang aga para ibalita sa lahat...kailangan e para may valid reason para hindi pumasok). Maaga kami dumating, kinuha result ng blood work at urinalysis, at bumalik na lang kasi na-late yung sonologist. Pangalawa ako sa nagpa-trans-v ultrasound. Sa mga hindi nakakaalam, iyon yung ipapasok sa iyo yung aparato para hanapin si baby na sobrang liit pa.
Kabado ako. Isa sa nagpapakaba sa akin e lalake yung sonologist. Pagpasok ko nung room, pinagbihis muna ako nung lady assistant, saka ko tinanong kung pwede ba kasama ko asawa ko. Pwede naman daw. Nung nakahiga na ako at nakataas na mga paa ko, saka tinawag si AM tapos pina-video ko sa kaniya yung pangyayari. Si madame yung nag-assist kay doc sapagpasak ng aparato sa akin, kaya nawala yung anxiety ko bigla. Wala pang isang minuto, nakita na ni doc si baby. Tuwang-tuwa si AM...hindi ko makita kasi hindi nakaharap sa akin yung monitor, kaya sakto pina-video ko. Ayun, inadvise-an pa nga ni doc na sa monitor siya tumutok. Haha! Tapos healthy heartbeat din ni baby. Kaya ayun, nabunutan kami ng tinik at sobrang happy hormones kaming dalawa. Ang saya saya lang ng feeling at overwhelming kasi nga first time! Grabe ang gift ng pagbubuntis. Daig pa yung nanalo sa lotto pala yung feeling. :) Tabachingching ako sa picture kasi walang tigil sa kain sa opisina haha!
Hinintay namin yung resulta ng report ni doc sonologist at tuwang-tuwa na walang complications so far. :)
Bumalik kami ulit sa second check-up na naka-schedule kay doc para ibigay sa kaniya lahat ng results for analysis.
Dahil hindi kami nakapunta nung linggo para sa anniversary special ng Jancor Diagnostics para sa mas murang check-up, vaccines, etc., binigyan pa rin kami ni doc ng discounted price ng flu shots. From Php 1,200, naging Php 600 each na lang kami ni AM. :)
Good news din kasi normal naman lahat ng results at wala na yung UTI ko! Pero bawas sa pag-e-exercise kaya hindi na talaga ako nageexercise muna. Hintayin ko na lang mag second to third trimester para talagang kapit na kapit si baby at light exercise/stretching lang naman gagawin ko.
Pagdating sa food, iwas talaga ako dapat sa fast food, processed food lalo na yung mga longganisa etc na may sodium nitrate, soft drinks (hindi naman ako mahilig doon), caffeine, sweets at chocolate. Piling pili lang din sa fish kasi mataas mercury content ng ilang fish tulad ng mga sapsap, tuna/albacore, etc.
Consultation fee nga pala ni Dr. Lacoste ay Php 400.
Para sa mga tiga-Cavite na malapit sa Rosario, pwede niyong i-like ang Jancor Diagnostics & Medical, Inc. sa Facebook. Katabi lang nila SM Rosario (right side ng SM facing main road).
Comments
Post a Comment