Product Review | Crave Healthy Snacks

THIS IS NOT A PAID PRODUCT REVIEW.
Wala namang kaso kung paid, bibigyan ko pa rin ng honest review ito.  Pero dahil nag-ba-browse ako ng mga sites at newsfeed sa Facebook ko last week, I stumbled upon Crave Healthy Snacks na para sa mga buntis!  Siyempre naaliw ako bigla kasi nga bawal na bawal sa mga preggy ang junk food, lalo na mga chichirya.   So, ni-like ko yung page nila tapos doon ko rin nalaman na available siya sa Cudsly.  Kaya naisipan kong gawan ng review ito kasi new product siya. <3
Affordable siya in fairness kasi Php 300 ang 1 box (12 pcs).  Bale, Php 25 siya per piece. Not bad for a craving mom.  Kaysa bumili ako ng mamahalin na organic snacks na pwede sa buntis, e dito na lang ako since hirap din maghanap ng organic dito sa side namin sa Cavite.
Dahil gusto ko munang subukan siya, I placed my order of one box  last October 25, mode of payment ko e COD (cash-on-delivery) kaya winner!  Tapos 7-10 days yung expected delivery base sa checkout details since outside Metro Manila yung lugar ko.  Pero nung Friday ding iyon (October 28), nakatanggap ako ng text from YiLinker, informing me about the delivery status. Na-pick-up na daw yung order ko at idedeliver.  Bilis din no?  Tapos binigay din yung rider name pati mobile number.  E aalis kami non ni AM pero sa nearby mall lang, kaya tinext ko na si sir rider na kung anong oras siya sa tingin niyang makakarating.  Walang reply.
Pagdating namin ng SM Rosario, ayun saka biglang nag-text at tawag si sir na wala daw sumasagot sa bahay.  Sabi ko nagtext ako sa kanya nung umaga regarding sa estimated time of arrival niya, kaya pinakiusapan ko kung pwede dumiretso na lang siya sa SM Rosario, sa main entrance kami magkita.  Buti sobrang bait ni sir kaso sobrang hiya ko kasi siyempre hassle.  E matatagalan din siya kung hintayin niya pa ako makauwi kasi sobrang bagal o maraming stops ng mga bus o trike dito sa amin.  Haha!
Wala pang 10 minutes, andoon na siya. :)  Binayaran ko Php 400 kasi Php 100 yung delivery fee pag outside Metro Manila.  :)
crave04
Excited na akong i-try siya kaso hindi pa tapos sa appointment si AM kaya tiis tiis muna.  Nag-date din muna kami kasi medyo na-b0-bore na ako sa bahay kaya natagalan bago ko mabuksan yung box.
crave03
Siyempre, sinigurado ko na 12 yung laman nung box.  Super natuwa ako sa packaging kasi matte siya tapos cute nung layout.  OC ako pagdating sa mga packaging since iyon yung work ng tatay ko dati.  I just love it.  Sobrang importante yung packaging, iyon kasi yung nagdadala din ng brand.
crave01
I've snacked almost half of this kaya mukha siyang kaunti.
Kung hindi ko pa binasa ng maigi yung nakasulat sa harap, hindi ko malalaman na corn chips pala siya.  Kasi medyo naguluhan lang ako nung tinitignan ko siya online, mukha kasi siyang potato chips sa picture.  Haha!  Pero nababasa ko naman na corn chips siya, kaso na-confuse lang talaga ako.
crave02
It smells like your regular sweet corn snack.  It tastes like Tomi and reminds me of Tortillos, but it's lightly salted, and the texture is just right.  And what I love about this snack, hindi siya ganoong ka-addictive not unlike sa regular chips.  It might have something to do with MSG or whatever chemical they put in the regular snacks na talagang i-ka-ka-adik mo iyong snack, which is soooo bad.  Dito sa Crave, na-sa-satisfy na agad yung cravings ko for chips.  Actually, hinayaan ko na bumili si AM ng regular snacks/chips niya tulad ng Pringles tapos pag manonood kami ng movie sa bahay, kakain siya non, ako naman yung Crave.  Never ako nainggit dun sa snacks niya in fairness.  Haha!  Ayoko din ng amoy kasi ng mga chips ngayon at hindi ko na hinahanap lasa nila mula nung kumain ako nitong Crave. :)
At saka, wala siyang nganga effect, alam mo iyon, tuwing kakain ka ng pagkain na ma-MSG o maraming ek ek na hindi natural, yung tipong nangangalahati yung mata mo, para kang lutang na ewan tapos ang bigat bigat ng pakiramdam mo, iyon yung effect sa akin ng MSG, etc.
And the best of it all, may Folic Acid, Iron and Calcium itong Crave Healthy Snack!  They say that it is especially made for expectant moms by doctors and nutritionists.  And I trust them on that because it's such a huge claim!  Hello, Unilab sila.  Pero siyempre, huwag niyo siyang i-substitute sa daily prenatal vitamins and supplements.  It is just meant for snacking.
So my verdict is 10/10.
Winner siya for me.  Tinikman din ito ni AM pati ng ate ko, nasarapan din sila.  Kung ano yung sinabi kong kalasa niya kanina, iyon din yung comment nila.  Hindi obvious na snack siya for moms-to-be.  :D  But I can't say na healthy talaga siya kasi processed pa rin ito kahit bali-baligtarin natin.  Alternative ko lang 'tong snack na ito pag nagsawa na ako sa stove-top popcorn.
Thank you, Unilab, for coming up with this snack!  Laki ng tulong niyo sa mga naglilihing preggers.  I highly recommend Crave Healthy Snacks.  :)

Comments

Popular Posts