Recipe | Fried Bangus Sinigang

Nag-eenjoy talaga ako mag-shoot ng mga pagluluto ko at edit sabay upload. Hihihi.  Kung pwede ko lang pagkakitaan iyon e no?  Haaayy..
Anyway, sobrang hilig ko sa sinigang talaga. Kahit anong maasim, kaya ako nagkaroon ng acid reflux.  Kasi ba naman nung college pa lang ako, tinutungga ko na yung timpladong suka sa may Remedios tuwing bumibili ako ng inihaw na hotdog o kaya bbq.  Hahaha!  Tapos nilalantakan ko yung mga hilaw na mangga na nilalako sa kalsada o kapag may baon akong indian mango na pinitas namin sa bakuran. :p  Ayan tuloy.  Matagal-tagal din akong nagbawas sa maasim tapos maraming naging bawal sa akin na kainin kayo ako pumayat saglit, tapos naging kami ni AM, ayun, balik bilog. HAHAHA!
Dahil ayaw ni AM ng sinigang na bangus na pinakulo lang yung bangus, pinirito ko na lang mga iyon parang tochio style :)
Siyempre, mahilig akong magluto ng made-from-scratch.  Hindi talaga ako fan ng pre-made flavorings, mixes, at mas lalo na sa vetsin.  Gumagamit na lang ako nun kung wala ng choice talaga, lalo na't kapag hindi nakapamili ng sangkap (maliban sa vetsin, never ako gumamit non).
Sa recipe na ito, gumamit ako ng tunay na sampalok, yung maliliit.  Parating may tinda sa palengke namin non kaya ansaya lang magluto lagi ng sinigang :)  Para mas malasa yung sabaw o kung ano mang lutuin, lagi kong dinadamihan ng kamatis at sibuyas.
fried-bangus-sinigang-blog-photo
Ingredients:
1 bangus, ulo
rock salt
4-6 pcs kamatis, quartered
4-6 pcs sibuyas, quartered
Php 15-20 sampalok

1 tali ng kangkong leaves o mas marami kung gusto niyo
*sitaw, cut in 2 inches
*1 talong, diagonally sliced or whatever slice suits you
*puso ng saging, chopped, ibabad sa asin sa loob ng 5 minuto bago hugasan
1 medium-sized labanos, diagonally sliced
okra, sliced
green chili
4 cups water

For fried bangus:
Rock salt
Bangus cut crosswise
1 cup harina
1 tsp salt
1 tsp pepper
Ziploc bag
Oil

Procedure:
  1. Asinan yung bangus
  2. Heat pan, isalin ang mantika.
  3. Mix flour, salt and pepper sa Ziploc bag.
  4. Ilagay yung bangus pwera sa ulo.  Iyon kasi yung pampalasa sa sabaw.  Shake.
  5. Dust-off excess flour nung isda bago ito ipirito.  Hinaan yung apoy para hindi masunog yung harina.
  6. Baligtarin yung isda.
  7. Sa ibang kaldero, ilagay yung kamatis, sibuyas, ulo ng bangus, at tantsyahin yung dami ng rock salt.
  8. Lagyan ng 4 cups ng tubig.  Pakuluan.
  9. Ilagay ang sampalok at labanos.  Pwede rin namang pakuluan niyo muna yung sampalok, pigain, saka niyo ilagay yung mga kamatis, etc.  Kung ano mas okay sa inyong gawin, dun tayo. :)
  10. Ihango yung ulo ng bangus.
  11. Kapag malambot na yung sampalok, gamit ang strain, pigain yung katas nito habang binubuhusan niyo ng sabaw.
  12. Itapon yung sampalok.  Ibalik yung ulo ng bangus.
  13. Lagyan ng iba pang gulay na mayroon kayo tulad ng sitaw, talong, o puso ng saging.
  14. Once half-cooked, ilagay yung kangkong, green chili at okra.
  15. Tikman yung sabaw.  Dagdagan yung rock salt kapag kailangan.  Kapag sobrang maasim, dagdagan mo lang ng tubig at iadjust yung alat.
  16. Serve hot with rice.

For video recipe:

There were hits and misses on the video as I was too hungry when I was doing that.  Haha!  Enjoy!

Comments

Popular Posts