Posts

Showing posts from April, 2017

ERIM Express Sucks

Image
Nagbebenta ako ng made-to-order cookies na pwede sa mga breastfeeding moms dahil sa flaxseed content, plus VCO, almond, at old-fashioned rolled oats.

Ang problema ko ngayon e itong ERIM Express.

Nakakatawa.  Since first time ko inavail yung courier service nila na super mura, mapapamura ka talaga sa experience.

Nagpa-book ako noong March 31 para i-pick-up yung cookies na order sa akin for Pasig client.  April 3, Monday, 11AM yung ini-schedule ko for pick-up.

Tapos nitong April 1, 3PM, dumating yung rider ng ERIM Express.  Ang aga nila masyado.  OA.  E made-to-order nga kami tapos they don't ship on weekends, kaya ko tinapat ng Monday na lang kaysa matengga yung cookies ko sa tambakan nila over the weekend, diba?  Kaya sinabihan ko si kuya na ang linaw nung ini-schedule ko na April 3, Monday, 11AM.  Balik na lang daw siya.

Siyempre since nakarating na siya dito, naisip ko baka ma-forfeit yung lintek na request ko na pick-up for April 3.   Kaya nag-re-book ako, same day pero mas maa…

Nipple Crumbs?

Sa mga nagbuntis o kasalukuyang nagbuntis, naranasan niyo na ba yung biglang may natatanggal sa nipple niyo na bilog bilog tapos pag pinisa mo parang libag na ewan?  May black, brown, o yellowish color sila.

Napansin ko kasi yun sa akin nitong kala ko pinapawisan yung boobs ko kaya pinunas ko lang gamit kamay ko tapos biglang may mga ganoon nga akong nakuha.  Parang crumbs!  Akala ko noong una e libag lang talaga kaso iba itsura.  Tapos naisip ko naman natanggal na warts kasi nagkaroon ako ng warts nitong nagbuntis ako.  Pero malabo e, napipisa ko kasi.

Tapos ayun na nga, sa tulong ni manong Google, hindi lang ako nagiisa sa ganitong sitwasyon.

Normal pala na makaranas ng ganoon.  Yung iba first trimester pa lang may nipple discharge na sila.  Depende talaga sa physiological factor ng nanay.

Ang colostrum ay isang form of milk, yung unang stage ng paglabas ng gatas ng nanay bago siya maging normal milk, if it makes any sense.  I-Google niyo na lang.  Hahaha!

Nakakapraning lang kasi …