Posts

Showing posts from 2016

Baby Kicking!

Ito naman na yung updated blog post ko.  Tapos na ako sa kakalipat ng mga blog posts ko galing sa Wordpress.  Yey!
---
Iba talaga iyong feeling na sumisipa na yung anak mo sa loob ng tiyan mo.  Sobrang nakakamangha na ang saya saya!  :)
Buti na lang observant ako pagdating sa mga bagay-bagay.  Kaya noong nararamdaman ko na siyang naggagalaw, talagang pinapanood ko siya.  Dulot na rin siguro sa mga pinapanood kong YouTube videos about sa 21 weeks of pregnancy, etc.  
Habang hawak ko phone ko tapos yung isang kamay ko nasa tiyan ko, bigla na lang gumalaw si baby at gumalaw din kamay ko.  Kaya binuksan ko agad yung camera ng phone ko para ma-videohan at pinagkakausap ko para naman may documentation ng life event na ito.  Hihihi.  Masunurin naman si baby.  :D

Haaaaaaaaayy... excited na kami!  Ongoing clean-up ang ginagawa namin ngayon dito sa bahay to make room for the baby.  Yung kwarto ng tatay ko icoconvert na namin as baby room.  Daming aayusin.  Tignan ko kung magagawan kong i-document yu…

Depression During Pregnancy: Symptoms, Reasons, Coping

Image
Isa sa mga kalaban nating mga preggy ang depression.  Hindi ko naman nilalahat, pero mangilan-ngilan sa atin ang nakaka-experience nito.  Karugtong siya ng anxiety din kasi.  Siyempre, marami tayong worries lalo na't first-time mom. Pero paano mo nga ba masasabi na ikaw ay depressed?  Magkaiba kasi siya sa emotera lang.  May mga kakilala kasi ako na sasabihan ka pang, "ang arte mo" o kaya, "okay lang iyan."  Hindi kasi nila sineseryoso ang ganitong condition.  Hindi siya choice.
Symptoms: walang interes sa pang-araw-araw na gawainfeeling mo malungkot ka lang parati o kaya parang wala kang silbimadalas na pag-iyakmabilis pumitikinaatake ng anxietyhirap magconcentratelaging pagod pero miski ipahinga mo, hindi ka ma-energizepaiba-ibang oras ng tulog, at oras ng kain, o kaya hirap makatulog o makakainyung may sense of guilt, walang pakinabang o kaya walang pag-asafeeling na hindi worthy ang mabuhay

Reasons: Iba-iba ang dahilan kung bakit tayo na-de-depress.  Sobrang sub…

Product Review | Crave Healthy Snacks

Image
THIS IS NOT A PAID PRODUCT REVIEW. Wala namang kaso kung paid, bibigyan ko pa rin ng honest review ito.  Pero dahil nag-ba-browse ako ng mga sites at newsfeed sa Facebook ko last week, I stumbled upon Crave Healthy Snacks na para sa mga buntis!  Siyempre naaliw ako bigla kasi nga bawal na bawal sa mga preggy ang junk food, lalo na mga chichirya.   So, ni-like ko yung page nila tapos doon ko rin nalaman na available siya sa Cudsly.  Kaya naisipan kong gawan ng review ito kasi new product siya. <3 Affordable siya in fairness kasi Php 300 ang 1 box (12 pcs).  Bale, Php 25 siya per piece. Not bad for a craving mom.  Kaysa bumili ako ng mamahalin na organic snacks na pwede sa buntis, e dito na lang ako since hirap din maghanap ng organic dito sa side namin sa Cavite. Dahil gusto ko munang subukan siya, I placed my order of one box  last October 25, mode of payment ko e COD (cash-on-delivery) kaya winner!  Tapos 7-10 days yung expected delivery base sa checkout details since outside Metro M…

Recipe | Fried Bangus Sinigang

Image
Nag-eenjoy talaga ako mag-shoot ng mga pagluluto ko at edit sabay upload. Hihihi.  Kung pwede ko lang pagkakitaan iyon e no?  Haaayy.. Anyway, sobrang hilig ko sa sinigang talaga. Kahit anong maasim, kaya ako nagkaroon ng acid reflux.  Kasi ba naman nung college pa lang ako, tinutungga ko na yung timpladong suka sa may Remedios tuwing bumibili ako ng inihaw na hotdog o kaya bbq.  Hahaha!  Tapos nilalantakan ko yung mga hilaw na mangga na nilalako sa kalsada o kapag may baon akong indian mango na pinitas namin sa bakuran. :p  Ayan tuloy.  Matagal-tagal din akong nagbawas sa maasim tapos maraming naging bawal sa akin na kainin kayo ako pumayat saglit, tapos naging kami ni AM, ayun, balik bilog. HAHAHA! Dahil ayaw ni AM ng sinigang na bangus na pinakulo lang yung bangus, pinirito ko na lang mga iyon parang tochio style :) Siyempre, mahilig akong magluto ng made-from-scratch.  Hindi talaga ako fan ng pre-made flavorings, mixes, at mas lalo na sa vetsin.  Gumagamit na lang ako nun kung wala n…

Anxiety During Pregnancy

Image
Praning.  That's how I would sum up my pregnancy.  Siyempre lahat ikatatakot ko since gusto ko yung best para sa bata. Minsan nga hindi ko ma-feel na buntis ako, kaya mapa-praning ako. May times naman na gustong-gusto ko marinig heartbeat ni baby pero hindi ko alam kung papaano.  Kung kailangan ko bang magpa-ultrasound ulit o anuman.  Buti na lang nung 3rd check-up ko, may doppler ultrasound na ginamit si Dr. Lacoste para marinig heartbeat ni baby.  Para siyang two-way radio. Matagal bago mahanap si baby kasi heartbeat ko yung naririnig namin nung una.  Ayun pala nakapwesto pa rin siya sa lower right ng puson ko.  140 bpm si baby.  What a relief.  Halos hirap ako makatulog kakaisip ilang linggo na. Tapos tinanong ako ni doc kung nararamdaman kong pumipitik si baby.  Mataas kasi tolerance ko sa pain kaya di ko siya napapansin at wala akong idea.  Although, hindi naman siya dapat masakit.  Parang may napitik sa mansanas lang yung tunog/pakiramdam.  Kaya days after ng latest check-up nam…

First & Second Check-Up

Image
Sobrang excited kami sa check-up pero kabado din kasi nga hindi naman kami 100% sure kung totoo bang preggy ako, although, 99% accurate naman daw kadalasan yung result. Habang nakatayo ako at nagfi-fill-up ako ng form sa may reception ng clinic, bigla na lang parang may kumikiliti sa binti ko, nung nakita ko kung ano iyon at saka lang ako sinabihan ni AM na huwag ako magugulat, nagtatatalon ako sa takot kasi nakita ko na may moth sa binti ko na paikot-ikot hanggang sa ulunan ko sabay pwesto doon sa inuupuan namin.  May entomophobia at mottephobia kasi ako.  Sabay kami nagsalita ni AM na, "Si daddy."  Tatay ko kasi nag-pass-on na six years ago.  Yung mga signs na nasa area siya e yung brown moth na kakaibang itsura...yun ang paniniwala namin.  Sabi na lang namin ni AM na sobrang excited panigurado si daddy, kaso takot ako sa mga lumilipad o gumagapang e.  Napatalon talaga ako noon hahaha!!! Tapos nung kausap na namin si Dr. Vanessa Lacoste, hinihingi sa akin yung PT.  Tinanong …

Recipe | Tortang Talong (Eggplant Omelette)

Image
Bakit ngayon ko lang naisipan i-video yung pagluluto ko sa tagal-tagal ko nang nagluluto?!  Ewan ko ba.  Sobrang busy ata talaga ako noon.  May YouTube channel nga ako tapos hindi ko siya masyadong ma-update.  Kailangan kasi talaga ng oras para mag-edit.  Kaya bilib din ako sa mga vloggers na pinapanood ko tulad nila itsjudyslifeCasey NeistatFunforLouis, Anne Clutz, Say Tioco, karir kung karir! Since nag-crave ako ng tortang talong, might as well make a video about it miski maraming videos na mayroon sa YouTube. Ito nga pala yung recipe.  Pwede kayo mag-adjust sa dami nung ingredients.  More onions and garlic, the better.  Sila yung pampalasa ko talaga.  Hindi kasi ako gumagamit ng vetsin kahit kailan.  Masama sa katawan iyon miski may claim na for "umami" taste charva.  Sus.  Anything chemical intake, masama sa katawan, miski mga prescribed na gamot na iyan.  May side effects kahit ano pang sabihin niyo. Anyway, bago tayo mapunta sa mga issues ko sa pharmaceutical companie…

When I Found Out that I'm Pregnant

Warning: Detailed kwento ito ng paano ko nalaman na buntis ako. Nag-file na ako ng resignation sa day job ko sa Makati miski kakaumpisa ko pa lang nung July.  Bakit?  Kasi nagkaroon ng bad news sa family side ni AM (asawa ko), at kailangan naming maghanap ng trabaho abroad para makatulong.  Nahihirapan na rin ako sa pagbyahe byahe sa totoo lang.  Na-feel ko talaga na tumanda ako.  Kasi dati, kahit gaanong kalayo o katrapik yung pupuntahan ko sa Maynila, wala akong pake.  Ngayon, iba yung pagod ko.  Hindi ko na nga matulungan yung staff ko sa cafe tuwing uuwi ako, kasi madalas sobrang pagod ako.  Maghapon ba naman ako nakatutok sa computer kakasagot ng mga e-mails ng mga "blonde" moments ng mga customers namin.  Tapos sobrang aga ko pa umaalis ng bahay, minsan nga nalalate na ako kasi di ako makabawi ng tulog.  Pero masaya pa rin naman kasi may mga naging kaibigan naman ako doon na sobrang kwela at down-to-earth na totoo at walang keme.  :) Tapos, isang weekend na dumalaw kapat…

Hello, Pregnancy!

Don't get me wrong. Sobrang love ko yung blog ko na mangoesbananas.blogspot.com.  Kaso mas gusto kong focus ng site na iyon e puro food styling, recipes, portfolio ba.  Although, mayroon nang mga past posts doon na irrelevant.  I'll keep it that way.  Para makita nila na tao ako..at para may character yung blog.  Haha! Bumalik ako sa wordpress.com blog ko na curlyscribbler kaso hindi ako nasiyahan sa pag-customize ng blog na iyon.  Kailangan ko pang mag-premium para lang makapag-post ako ng videos ko etc..  Kaya minabuti pang ilipat ko na lang lahat ng content dito sa curlyscribbler.blogspot.com.  Buti na lang available pa yung domain name na ito kung hindi stressful na naman sa pagpili ng blog name. So, asahan niyo na magshashare ako ng insights sa pregnancy ko, since subjective siya at baka may maitulong din kayo sa akin, mga OOTD ko kapag may lakad ako (which is madalang, house cat peg ko), at mga recipes o kaya food trips or reviews ko sa mga bagay-bagay. :D   At sana makapag…

Contact

About Me

A first-time mom who is currently dealing with pregnancy, and eventually as a parent.



Why advertise on this site?


Curlyscribbler.blogspot.comis a blog that revolves around the author's journey into motherhood.  Topics discussed or posted on this blog are her experiences from pregnancy to being a first-time mom.  She would be posting reviews, recipes, tips, OOTDs, and anything that would fall under the category of being a mom.

She believes that sharing her experiences is a way of contributing to the society.  And by sharing, the author would love to review your products and services! :)

This blog offers the following services:

Sponsored Post/Advertorial
A minimum of 300-word blog post written by the author that includes social networking buzz on Facebook, Instagram, Pinterest, and Google+.
Product Feature Product mention in a blog post where the product is most related (food styling, food review, recipe, kitchen tools/equipment review, recipes, travel, beauty, fashion, etc.)
Th…