Posts

Showing posts from February, 2017

Recipe | Filipino Laksa

Image
Difficulty Level:  Medium

Actually, hindi siya mahirap lutuin.  Matrabaho lang yung pag-prep, like yung sa pag-devein ng shrimp, at yung pag chop nung puso ng saging kasi kailangan mo pang ibabad sa rock salt iyon bago mo hugasan.

Pwede niyo rin palang i-omit yung pork, basta isaute niyo na lang sa oil.  Kaso kulang lasa non sa totoo lang.  Yung pork fat din kasi yung nagpapalasa sa ginisa.

Saktong-sakto itong lutuin na ito lalo na kapag weekend tapos makulimlim o maulan.

Akala mo mabibitin ka pero mabigat sa tiyan yung sotanghon.

For English recipe, click on this link.





Yield: Good for two


Ingredients:

1/8 pork cubes

1/4 shrimp, deveined

3 small red onions, sliced

4 cloves garlic, chopped

2 small tomatoes, sliced

2-3 cups water

1 small pack of vermicelli (sotanghon)

2-3 cups hot water (para sa sotanghon)

1 small puso ng saging o banana blossom, chopped

Rock salt

1-2 tbsps soy sauce

Salt and Pepper to taste

*optional yung chopped onion leeks*



Procedure:


Tanggalan ng ulo at shell yung hipo…

Enlightenment

Image
Hindi ako makatulog hanggang 6AM nung isang gabi.  
Nag-iiyak ng tahimik.
Naiinis.
Nagagalit.
Naiisip ko bakit sa lahat ng tao parang ako lang yung natatapunan ng matinding challenge sa buhay. Pinaka-recent ay itong pagbubuntis ko na wala kaming ipon.  Hindi rin namin inexpect ito kasi when we were trying early last year, walang nangyari.  Tapos nung hindi na kami nag-try, biglang nabuo si baby Apollo.  Nag-resign nga ako sa day job ko para makapag-apply ng work abroad nang makaipon, biglang naudlot gawa ng pregnancy ko.
Kaya namin sinara bigla yung cafe namin gawa ng maselan na 1st trimester ko, humina ang cafe, at lugi na kami.  May natirang ipon, pero syempre dahil sa gastusin at sa pagkain, nasimot din siya.
We are living in debt.  Marami pa akong utang na kailangang bayaran.
Lahat naman ng paraan ginawa ko na: naghahanap/apply ako ng trabaho online since September pero wala pa ring luck hanggang ngayon.  Mayroon mang isa pero piso piso lang yun.  Parang libre nga lang yung work …

Recipe | Cheesy Chicken Tomato Sandwich

Image
Difficulty Level: EASY

Dahil mahilig ako sa tinapay kaysa sa kanin, madalas ako gumagawa ng homemade tortilla tapos kahit ano yung ipapalaman ko, o kaya sandwich.
Pwede niyo nga palang palitan yung 'meat' sa recipe na ito.

Wala nang patumpik-tumpik pa. Ito na yung pinakamadaling gawing sandwich kapag hindi mo feel ang egg and cheese lang.
#spreadlovenothate
For English recipe, you can click on this link.



Yield: Good for 1
Ingredients:
4-6 tbsps Butter
Chicken strips
1 small tomato, sliced
Slices of cheese (Eden cheese ginamit ko kasi fave ko yun at swak sa bulsa)
2 slices of bread of your choice

Procedure:
Heat pan in medium.  Melt butter.Ipirito yung chicken strips.  Baligtarin.  Set aside.Magdagdag ng butter ulit.  I-saute yung tomato slices.  Set aside.Maglagay ulit ng butter.  I-grill yung tinapay.  Gawin din ito sa isa pang tinapay.Isalansan yung cheese sa ibabaw ng tinapay na nasa pan.Tapos ilagay naman yung kamatis, then yung chicken strips, bago ilagay yung isa pang tinapa…

Baby's Name

Image
Medyo nadelay lang ang pag-edit at post ko nito kasi may iba pa akong ineedit na video para sa best friend ko.  

May name na dapat kami sa baby boy at girl, pero nung na-confirm namin na boy si baby, hindi namin feel bigla yung unang name na naisip namin para sa kaniya. :)

Ito yung kwento kung paano namin naisip name ni baby.



Is it a Boy or a Girl?

Image
Ito na ang pinakahihintay ng karamihan sa mga kakilala namin, lalo na sa mga kamag-anak: ang gender reveal!

Panuorin nang malaman.  Hehehehe :p :)

#spreadlovenothate

Don't forget to subscribe! :p



YouTube Vlogging

Image
At dahil adik ako sa kakanuod ng mga vlogs sa YouTube, at mayroon din naman akong background sa editing etc., might as well use my spare time vlogging about my pregnancy, diba? :)
Hindi ko intensiyong sumikat o ano man.  Gusto ko lang may pagkaabalahan since hindi naman ako makakuha ng online work dahil sa bopols na PLDT connection ko na lagpas dalawang buwan na ako nagpapaayos sa kanila (kasi kada ayos, humihina ulit yung dl/ul speed after ilang days).
Ito ngang first vlog ko, inupload ko pa 90% sa may Starbucks malapit dito sa amin.  Hahaha!  Buti na lang mayroon akong ineedit na wedding video (filler sa program), at least may pinagkakaabalahan ako habang may inuupload sa Starbucks.  Sobrang naeengganyo nga lang ako magkape, lalo na yung ineendorse nilang espresso chestnut white chocolate truffle (yung hot)!  Jusko!  Tukso!  Buti na lang si AM hindi mahilig sa mga mamahaling kape hahaha!  Kaya naki-sip na lang ako sa iced shaken honey ruby grapefruit black tea niya, at nakitikim nu…