Nipple Crumbs?


Sa mga nagbuntis o kasalukuyang nagbuntis, naranasan niyo na ba yung biglang may natatanggal sa nipple niyo na bilog bilog tapos pag pinisa mo parang libag na ewan?  May black, brown, o yellowish color sila.

Napansin ko kasi yun sa akin nitong kala ko pinapawisan yung boobs ko kaya pinunas ko lang gamit kamay ko tapos biglang may mga ganoon nga akong nakuha.  Parang crumbs!  Akala ko noong una e libag lang talaga kaso iba itsura.  Tapos naisip ko naman natanggal na warts kasi nagkaroon ako ng warts nitong nagbuntis ako.  Pero malabo e, napipisa ko kasi.

Tapos ayun na nga, sa tulong ni manong Google, hindi lang ako nagiisa sa ganitong sitwasyon.

Normal pala na makaranas ng ganoon.  Yung iba first trimester pa lang may nipple discharge na sila.  Depende talaga sa physiological factor ng nanay.

Ang colostrum ay isang form of milk, yung unang stage ng paglabas ng gatas ng nanay bago siya maging normal milk, if it makes any sense.  I-Google niyo na lang.  Hahaha!

Nakakapraning lang kasi na biglang natatanggal yung parang ducts from your nipple.  Kaloka.  I wasn't advised about it.  Hahaha!  Pero hindi naman siya masakit tuwing nililinis ko.  I guess nakatulong ang VCO.

The wonders of a woman's body amazes me. :)

Comments

Popular Posts