Posts

Showing posts from March, 2017

Sciatica, Pamamanhid, Carpal Tunnel, Manas

Image
Sciatica (sae.ya.tee.kuh)
May sciatica na ako dati pa prior to my pregnancy. 
Ano nga ba ito?  Ito yung naipit na sciatic nerve sa may pelvic area tapos hanggang paa yung discomfort niya.  Nagkakaroon ito ng madalas kapag nilalagay mo yung bigat mo sa isang side ng katawan mo.  In my case, sa left side ko.  
Remedy is to do stretching o kaya magpa-chiro, at dapat matutunan mo yung pag balanse ng katawan mo lalo na kapag nakatayo.  Nasa lifestyle din kasi.
E yung sa akin, napapansin ko na tuwing nagluluto ako, kanan gamit ko, so nakaangat yung right arm ko diba tapos yung weight e napupunta sa kaliwa.
Yung sa ibang cases naman, pagbuhat ng bag o anuman tapos madalas dun sa malakas na side niyo binubuhat kaya may tendency na malipat yung weight sa strong side mo...kaya major ipit ng ugat later.
Pumunta ako sa Karada last year sa may MOA para i-try ang chiro for the first time.  Nakaka-anxious siya kasi takot ako mabalian ng buto hahaha!  Pero after nila i-align yung axis ko at na-correc…

8th Prenatal Checkup + Flashback

Image
Late na naman ako mag-upload ng vlog at recipe videos sa YouTube channel ko. :p

Pagpasensiyahan niyo na at by mood ang pag-edit ko.  Time consuming din kasi ang pag-edit ng simpleng videos na ito.  Inaabot ako ng 4-6 hours, depende kasi sa content.

Anyway, ito yung 8th prenatal checkup namin ni Apollo noong February tapos nag-flashback na din ako back to 2015 kasi noon ako nagumpisa magvideo.

Hindi kami makapaniwala na soon-to-be parents na kami ni AM!  Gosh.  Exciting na nakakakaba.  :)

Ready na kami!

(Kung gusto mo maging updated sa blog/vlog ko, like mo lang Facebook Page ko...hehehe)

---

At para sa mga readers/viewers ko na malapit sa Rosario, Cavite at naghahanap ng matinong lying-in clinic o diagnostics clinic, highly recommended ang Jancor Diagnostics Clinic.  Katabi lang po ng SM Rosario, bago pumasok ng Costa Verde subdivision.


Vlog Posts

Image
I-compile ko na lang yung mga recent vlog posts ko sa channel ko sa YouTube kaysa isa-isahin ko pa siya.

Nalilimutan ko kasing i-post din iyon dito hehehehe..

Starting off with our baby haul at food review sa Nadai Fujisoba sa MOA. :)




Tapos yung haul namin sa Paolito's Baking Supplies in preparation for Dess's Suprise Bridal Shower.  Pati na rin yung ginawa namin na sash at flower crown para kay Dess.  :D






At ito ang pinaka-latest (well, late upload na nga e), yung surprise bachelorette party!  Nakakakaba pala yung magpa-surprise ka kasi baka mamaya hindi masurprise, sayang ang effort.  Goal namin mapaiyak siya kaso hindi nangyari e.  HAHAHAHAHA!  Pero ang mahalaga e nag-enjoy lahat miski muntikan nang pumalya dahil kay kuya sa Music Bank.  Hehehehe.

Ang 'Dayo' at ang Buntis

Image
Dayo yung term namin sa mga 'aswang' tapos 'dyaryo' yung tawag namin ni AM sa 'tiktik'.


Isa ako sa mga skeptic pagdating sa ganitong usapin kasi nga hangga't hindi ko pa nakikita o nararanasan, hindi ako maniniwala.

Matagal ko na sanang gustong i-share ito nung 1st trimester ko kasi, unfortunately, naranasan ko siya dito mismo sa bahay namin sa Cavite.
Gustuhin ko man siyang i-vlog ngayon at ikwento na lang ng diretso, kaso hindi ko kaya humarap sa camera phone ko na talagang inaatake ng anxiety.  Mas nagtitrigger kasi.  Pag sinusulat ko na lang mas nahihimasmasan ako.  Tsaka talking head lang din ang mangyayari, wala masyadong snippets of actual experience since mabilis ang mga pangyayari.
Hindi ko ito sinusulat o shi-ne-share ngayon sa inyo para maniwala kayo.  Gusto ko lang siyang i-share kasi baka mamaya isa ka pala sa mga nakaranas din o kaya, wala lang...trip mo lang magbasa ng mga ganitog klaseng kwento.  At tsaka personal experience ko ito while p…