Skip to main content

Posts

Showing posts from May, 2018

Recipe | Bro-Cauli-Pechay

Halos lahat tayong mga nanay e gustong makatipid pero may quality dapat.  Pero personally, pagdating sa pagkain, ayaw kong magtipid.  Kung kaya naman magtipid in terms of gagawan ng paraan para masustansiya at marami yung maihahanda mong food, nagluluto ako ng madadaling ulam na mabibili yung ingredients sa palengke.

Alam niyo naman siguro na kaunti lang usually ang choices sa palengke lalo na pagdating sa gulay.  Kaya nagluluto ako ng gulay na tipong napapakain ko asawa ko e samantalang hindi siya mahilig sa gulay noon.  :)

*Nutrition facts at the bottom of the recipe*



At dahil mahilig sa gulay si Oyo, nataon na mura yung cauliflower at broccoli noong nakaraang linggo, kaya naisipan kong iluto ito. Wala na ring laman yung ref namin kaya kung ano pwedeng ihalo, hinalo ko na.

Mayroon kaming tirang seared chicken noong gabi, kaya yun na lang hinalo ko imbes na ground chicken/pork/beef.  Tapos yung pechay na natira, sinama ko na rin para sustansya-overload ang ulam. :D

Pero puwede niyo r…

Affordable Getaway in Tanza, Cavite!

Siguro iilan sa inyo napanood na yung quick tour namin sa Amanda's Resort sa may Tanza, Cavite.  Sa mga hindi pa, scroll down.

At para sa mga nagtatanong kung magkano yung entrance etc (lalo na kapag tamad kayong mag-research sa Facebook), i-she-share ko sa inyo yun dito!

Hangga't hindi pa tuluyang nag-uulan, sulitin na ang summer escape!

But first, gusto ko lang po linawin na hindi po ito paid post huh.  Marami na kaming napuntahan na resto, swimming areas.  Miski nakapag-video kami sa mga iyon, binubura ko na lang kung may negative kaming masasabi about sa lugar. Ayoko na lang iendorse yung lugar kung panget lang din naman sasabihin ko diba? Share positive thoughts, ika nga.

So ito na nga, ang Amanda's Resort sa may Tanza, Cavite.

From main road (kung galing ka sa Manila, Centennial Road, Tejero), kakanan lang po kayo after ng Puregold - Jollibee Tanza.  Kaunting kembot lang, sa left side yung Iglesia ni Cristo tapos lagpas non kaunti yung resort.

I-Google maps niyo na l…

Baptism + 1st Birthday Planning & Preparation at Shakey's Kawit

Sa wakas, nagkaroon din ako ng oras para mag-blog! Hopefully, sipagin na ako mag-edit ng home vids for my vlogging channel on YouTube.  Naging normal na kasi yung sleeping pattern ni Oyo kaya keri-boom na ang pag-blog at vlog! :)

It's been a month since we had Oyo's 1st birthday celebration and baptism.

We've decided to have him baptized before he turns 1, and had a mini (advance) birthday celebration on the day of his baptism--para tipid. Hehe. Dapat sa birthday niya mismo kaso nasa ibang bansa si AM non tapos balik niya e Sunday kaso mahirap na isabay yung pagdating niya sa baptism/party at baka ma-late pa yung flight niya at mahihirapan ako sa pag-asikaso before the party.

Noong una, gusto namin pool party. Yung mom-in-law ng kuya ko nag-offer doon sa isang membership club sa may Makati. No entrance fee or reservation fee. Any number of guests pu-pwede. Kaso hindi siya feasible sa amin mag-anak kasi yung pag-asikaso ng baptism ni Oyo sa church na "malapit" (ac…