Posts

Showing posts from 2017

Recipe | Bibingkang Malagkit

Image
Malapit na ang pasko at siyempre gusto natin rumaket para may extra income.  Isa sa pinakapaborito kong kakanin ang bibingkang malagkit.  Pero ang hirap makahanap ng legit na masarap. Meron man kaso mahal.  May rason kung bakit mahal naman ito maliban sa mahal ang malagkit at maraming fresh coconut milk ang kailangan, yung proseso ng paggawa nito.  Kung gusto mong kumita at mag-exercise, ang pagluto nito ang the best. Haha! Mangangawit ka kasi kakahalo lalo na kapag lumalagkit na yung kakanin, mas mahirap na siyang kayurin at haluin.  Conitnuous stirring ang peg, bawal magpahinga kung hindi masusunog iyang malagkit!

Pangunahan ko lang din yung mga know-it-all.  Lahat po ng recipes, kaniya-kaniyang diskarte ng mga gumagawa ha.  Huwag po tayo by the book.  Kung may mga suggestions naman kayo, feel free to share it with us sa comments section.  :)



Ingredients:

1 tbsp coconut oil or butter
1 banana leaf

2-3 pandan leaves
4 cups fresh coconut milk
2 cups malagkit, washed
1 cup light brown s…

Recipe | Spicy Tuna-stek

Image
Kung marunong na kayo magluto ng bistek, I'm sure hindi niyo na kailangan ng recipe na ito. Pero para sa mga nag-aaral pa lang magluto at naghahanap ng alternative sa meat, isa ito sa madaling gawin.

Ingredients:

2 pcs  small Tuna/albacora steak
5 Kalamansi or 1/4 lemon
4-6 tbsps Soy sauce
White onions, sliced
1-2 pcs siling labuyo, hiwa yung gitna
Pepper to taste
1 cup water
VCO, canola oil or any oil you prefer


Procedure:

1. Marinate mo lang yung tuna sa soy sauce and mansi o lemon juice for 15-30 mins.

2. For healthier version, heat pan with virgin coconut oil under medium. Sweat onions until transluscent. Set aside.

3. Fry marinated fish. Wag itapon yung sauce o katas, set aside mo lang.

4. Once fried na yung both sides, sauté mo yung labuyo tapos ibuhos yung sauce, water, pepper, and onions. Let it simmer until magreduce to half yung liquid. Taste. Add sugar if needed.

5. Optional: garnish with chopped spring onions or onion leeks. Serve with rice.

What They Didn't Tell You (at least) About Delivering Your Baby & After

Iisa-isahin ko yung mga bagay na na-experience ko during my delivery at pagkatapos. Pwedeng aware ka na sa mga ito pero para sa mga hindi pa, ito na po ang mga iyon at sana makatulong:
Pain reliever could delay dilation. Pero dahil hindi ko na kinaya paglalabor ko at pumutok na panubigan ko, humingi na ako ng Nubain to ease the pain. Ganoon pala ang ma-high. Tulog agad pagkaturok pero aware ako sa surrounding at naririnig at naiintindihan ko mga sinasabi ng mga tao.
Marami kang kailangang basahin at pirmahan na papeles prior to giving birth. Since emergency CS ako, hindi ko na nabasa yung mga papers na pinapirmahan sa akin noong sinugod na nila ako sa delivery room. Ask for it sa OB mo before giving birth whether or not normal o CS ka para you have an understanding what is it all about and you can ask questions at the same time.
Kulitin si doc na mag-skin-to-skin kayo ni baby ng matagal. Hindi po kasi nangyari ito sa akin miski na-discuss ko na ito sa OB ko matagal na. Sobrang saglit lan…

Recipe | Guisadong Bagoong Alamang (Shrimp Paste)

Image
Sa sobrang ayaw ko ng MSG sa lutong pagkain sa bahay (dahil nag-ju-junk food na rin kasi kaya bawas intake na non), lahat ng recipes na shine-share ko sa inyo ay MSG-free at hangga't kaya ay made-from-scratch.

Puwede niyong pagkakitaan din itong pag-ba-bagoong! :D

Tatagal ito ng mga 6 na buwan sa sealed bottle/jar sa loob ng ref.



Ingredients:

3 cups alamang
3 red onions, sliced
4 cloves garlic, minced
4-6 cups white vinegar
4 tbsps white sugar
2 tsps black pepper
2 labuyo, chopped
3 tbsps oil
1-2 cups water


Procedure:


Hugasan at salain yung alamang.  Madalas kasi naasinan na iyan sa palengke.Igisa yung sibuyas tapos idagdag ang bawang.  Kapag nangamoy na yung bawang, ihalo yung labuyo.Ilagay yung naisalang alamang at haluin ng mabuti.Hayaang kumulo at haluin paminsan-minsan.Kapag medyo nag-brown na ng kaunti yung alamang, ibuhos yung suka hanggang sa ma-cover niya yung alamang.Hayaang kumulo ng ilang minuto bago mo ito pwedeng haluin.Idagdag yung sugar at black pepper.Occasionally st…

Just Gave Birth

Image
Sa wakas nanganak na din.  Hindi ko masyadong na-vlog na lahat ng mga pangyayari kaya ito yung detailed account.

PERO...

Kung tamad kang magbasa, panuorin mo na lang itong vlog ko tungkol dito:





---

At para sa mga masipag magbasa at gusto malaman ang detalye lalo na't kung kasalukuyang buntis ka ngayon at curious ka sa mga posibleng mangyari sa panganganak mo, keep on reading.

---

L A B O R


April 12 nung huling checkup namin kay doc at sinabihan kami na kapag April 16 wala pa ring contractions, sa 17 i-admit na ako at iinduce for labor.
April 13, 5am, nagising na lang ako kasi napansin ko yung mini contractions at gutom ako.  Kinuha ko bigla yung iPad ko para buksan yung Baby Bump app para imonitor ko yung contractions.
Nagluto muna ako ng tuna-egg-sinangag.  Naalala ko lang after ng mga ganap, iyan din kinain ko nung nalaman kong buntis ako (after ko makita yung result nung pregnancy test na ginawa ko hehe).
Every 4 minutes yung interval ng contractions hanggang 8am.  Tinext ko si …

NAG-MAKEUP ANG BUNTIS (Different looks na pang-awra!) :p

Image
Kasalukuyang buntis po ako nitong shinoot ko ang video na ito noong March 2017.  Eight months pregnant ako noon, bored, at limited lalo ang pwedeng gawin.  Kaya naisipan kong mag makeup na lang gamit yung mga natirang makeup products ko (dati po kasi akong MUA).


Obviously, kulang na ako sa praktis.  Katuwaan lang po ito. :)


Baby Stuff Haul & Review

Image
Late post!

Sobrang busy kasi kay baby lately.  Naisingit ko lang ito kasi before ako manganak, naiedit ko na ng 80% itong vlog.  Tinuloy ko na lang pag-edit noong isang araw at ngayon ko lang naalalang i-upload.  :p
Ang bilis ng upload ngayon!  It only took me 30 minutes.  In fairness, mabilis na iyon hahaha!
Lahat nga pala ng haul e sa SM Rosario namin nabili.  Obviously, this is not a sponsored post.
Hindi lang extensive yung review ko at sobrang nagmamadali lang ako hahaha.  Kaya dito na lang yung details:
Caress Maternity Pad 1 out of 5 Naghihiwalay sa loob ng pad yung cotton. I prefer using normal Modess Cottony Soft pads, or kung malakas yung flow ng discharge niyo after birth, choose Modess's overnight pads.

Babyflo Oatmeal Bath Soap
3 out of 5
Mabango siya pero hindi hiyang kay baby.  Umaasim siya agad at hindi totoo yung claim na pwedeng matreat yung rashes sa katawan. :/  Pero try ko pa rin gamitin after maubos yung Human Nature Baby Wash ni baby.  Tignan natin kung okay p…

ERIM Express Sucks

Image
Nagbebenta ako ng made-to-order cookies na pwede sa mga breastfeeding moms dahil sa flaxseed content, plus VCO, almond, at old-fashioned rolled oats.

Ang problema ko ngayon e itong ERIM Express.

Nakakatawa.  Since first time ko inavail yung courier service nila na super mura, mapapamura ka talaga sa experience.

Nagpa-book ako noong March 31 para i-pick-up yung cookies na order sa akin for Pasig client.  April 3, Monday, 11AM yung ini-schedule ko for pick-up.

Tapos nitong April 1, 3PM, dumating yung rider ng ERIM Express.  Ang aga nila masyado.  OA.  E made-to-order nga kami tapos they don't ship on weekends, kaya ko tinapat ng Monday na lang kaysa matengga yung cookies ko sa tambakan nila over the weekend, diba?  Kaya sinabihan ko si kuya na ang linaw nung ini-schedule ko na April 3, Monday, 11AM.  Balik na lang daw siya.

Siyempre since nakarating na siya dito, naisip ko baka ma-forfeit yung lintek na request ko na pick-up for April 3.   Kaya nag-re-book ako, same day pero mas maa…

Nipple Crumbs?

Sa mga nagbuntis o kasalukuyang nagbuntis, naranasan niyo na ba yung biglang may natatanggal sa nipple niyo na bilog bilog tapos pag pinisa mo parang libag na ewan?  May black, brown, o yellowish color sila.

Napansin ko kasi yun sa akin nitong kala ko pinapawisan yung boobs ko kaya pinunas ko lang gamit kamay ko tapos biglang may mga ganoon nga akong nakuha.  Parang crumbs!  Akala ko noong una e libag lang talaga kaso iba itsura.  Tapos naisip ko naman natanggal na warts kasi nagkaroon ako ng warts nitong nagbuntis ako.  Pero malabo e, napipisa ko kasi.

Tapos ayun na nga, sa tulong ni manong Google, hindi lang ako nagiisa sa ganitong sitwasyon.

Normal pala na makaranas ng ganoon.  Yung iba first trimester pa lang may nipple discharge na sila.  Depende talaga sa physiological factor ng nanay.

Ang colostrum ay isang form of milk, yung unang stage ng paglabas ng gatas ng nanay bago siya maging normal milk, if it makes any sense.  I-Google niyo na lang.  Hahaha!

Nakakapraning lang kasi …

Sciatica, Pamamanhid, Carpal Tunnel, Manas

Image
Sciatica (sae.ya.tee.kuh)
May sciatica na ako dati pa prior to my pregnancy. 
Ano nga ba ito?  Ito yung naipit na sciatic nerve sa may pelvic area tapos hanggang paa yung discomfort niya.  Nagkakaroon ito ng madalas kapag nilalagay mo yung bigat mo sa isang side ng katawan mo.  In my case, sa left side ko.  
Remedy is to do stretching o kaya magpa-chiro, at dapat matutunan mo yung pag balanse ng katawan mo lalo na kapag nakatayo.  Nasa lifestyle din kasi.
E yung sa akin, napapansin ko na tuwing nagluluto ako, kanan gamit ko, so nakaangat yung right arm ko diba tapos yung weight e napupunta sa kaliwa.
Yung sa ibang cases naman, pagbuhat ng bag o anuman tapos madalas dun sa malakas na side niyo binubuhat kaya may tendency na malipat yung weight sa strong side mo...kaya major ipit ng ugat later.
Pumunta ako sa Karada last year sa may MOA para i-try ang chiro for the first time.  Nakaka-anxious siya kasi takot ako mabalian ng buto hahaha!  Pero after nila i-align yung axis ko at na-correc…

8th Prenatal Checkup + Flashback

Image
Late na naman ako mag-upload ng vlog at recipe videos sa YouTube channel ko. :p

Pagpasensiyahan niyo na at by mood ang pag-edit ko.  Time consuming din kasi ang pag-edit ng simpleng videos na ito.  Inaabot ako ng 4-6 hours, depende kasi sa content.

Anyway, ito yung 8th prenatal checkup namin ni Apollo noong February tapos nag-flashback na din ako back to 2015 kasi noon ako nagumpisa magvideo.

Hindi kami makapaniwala na soon-to-be parents na kami ni AM!  Gosh.  Exciting na nakakakaba.  :)

Ready na kami!

(Kung gusto mo maging updated sa blog/vlog ko, like mo lang Facebook Page ko...hehehe)

---

At para sa mga readers/viewers ko na malapit sa Rosario, Cavite at naghahanap ng matinong lying-in clinic o diagnostics clinic, highly recommended ang Jancor Diagnostics Clinic.  Katabi lang po ng SM Rosario, bago pumasok ng Costa Verde subdivision.


Vlog Posts

Image
I-compile ko na lang yung mga recent vlog posts ko sa channel ko sa YouTube kaysa isa-isahin ko pa siya.

Nalilimutan ko kasing i-post din iyon dito hehehehe..

Starting off with our baby haul at food review sa Nadai Fujisoba sa MOA. :)




Tapos yung haul namin sa Paolito's Baking Supplies in preparation for Dess's Suprise Bridal Shower.  Pati na rin yung ginawa namin na sash at flower crown para kay Dess.  :D






At ito ang pinaka-latest (well, late upload na nga e), yung surprise bachelorette party!  Nakakakaba pala yung magpa-surprise ka kasi baka mamaya hindi masurprise, sayang ang effort.  Goal namin mapaiyak siya kaso hindi nangyari e.  HAHAHAHAHA!  Pero ang mahalaga e nag-enjoy lahat miski muntikan nang pumalya dahil kay kuya sa Music Bank.  Hehehehe.

Ang 'Dayo' at ang Buntis

Image
Dayo yung term namin sa mga 'aswang' tapos 'dyaryo' yung tawag namin ni AM sa 'tiktik'.


Isa ako sa mga skeptic pagdating sa ganitong usapin kasi nga hangga't hindi ko pa nakikita o nararanasan, hindi ako maniniwala.

Matagal ko na sanang gustong i-share ito nung 1st trimester ko kasi, unfortunately, naranasan ko siya dito mismo sa bahay namin sa Cavite.
Gustuhin ko man siyang i-vlog ngayon at ikwento na lang ng diretso, kaso hindi ko kaya humarap sa camera phone ko na talagang inaatake ng anxiety.  Mas nagtitrigger kasi.  Pag sinusulat ko na lang mas nahihimasmasan ako.  Tsaka talking head lang din ang mangyayari, wala masyadong snippets of actual experience since mabilis ang mga pangyayari.
Hindi ko ito sinusulat o shi-ne-share ngayon sa inyo para maniwala kayo.  Gusto ko lang siyang i-share kasi baka mamaya isa ka pala sa mga nakaranas din o kaya, wala lang...trip mo lang magbasa ng mga ganitog klaseng kwento.  At tsaka personal experience ko ito while p…

Recipe | Filipino Laksa

Image
Difficulty Level:  Medium

Actually, hindi siya mahirap lutuin.  Matrabaho lang yung pag-prep, like yung sa pag-devein ng shrimp, at yung pag chop nung puso ng saging kasi kailangan mo pang ibabad sa rock salt iyon bago mo hugasan.

Pwede niyo rin palang i-omit yung pork, basta isaute niyo na lang sa oil.  Kaso kulang lasa non sa totoo lang.  Yung pork fat din kasi yung nagpapalasa sa ginisa.

Saktong-sakto itong lutuin na ito lalo na kapag weekend tapos makulimlim o maulan.

Akala mo mabibitin ka pero mabigat sa tiyan yung sotanghon.

For English recipe, click on this link.





Yield: Good for two


Ingredients:

1/8 pork cubes

1/4 shrimp, deveined

3 small red onions, sliced

4 cloves garlic, chopped

2 small tomatoes, sliced

2-3 cups water

1 small pack of vermicelli (sotanghon)

2-3 cups hot water (para sa sotanghon)

1 small puso ng saging o banana blossom, chopped

Rock salt

1-2 tbsps soy sauce

Salt and Pepper to taste

*optional yung chopped onion leeks*



Procedure:


Tanggalan ng ulo at shell yung hipo…

Enlightenment

Image
Hindi ako makatulog hanggang 6AM nung isang gabi.  
Nag-iiyak ng tahimik.
Naiinis.
Nagagalit.
Naiisip ko bakit sa lahat ng tao parang ako lang yung natatapunan ng matinding challenge sa buhay. Pinaka-recent ay itong pagbubuntis ko na wala kaming ipon.  Hindi rin namin inexpect ito kasi when we were trying early last year, walang nangyari.  Tapos nung hindi na kami nag-try, biglang nabuo si baby Apollo.  Nag-resign nga ako sa day job ko para makapag-apply ng work abroad nang makaipon, biglang naudlot gawa ng pregnancy ko.
Kaya namin sinara bigla yung cafe namin gawa ng maselan na 1st trimester ko, humina ang cafe, at lugi na kami.  May natirang ipon, pero syempre dahil sa gastusin at sa pagkain, nasimot din siya.
We are living in debt.  Marami pa akong utang na kailangang bayaran.
Lahat naman ng paraan ginawa ko na: naghahanap/apply ako ng trabaho online since September pero wala pa ring luck hanggang ngayon.  Mayroon mang isa pero piso piso lang yun.  Parang libre nga lang yung work …

Recipe | Cheesy Chicken Tomato Sandwich

Image
Difficulty Level: EASY

Dahil mahilig ako sa tinapay kaysa sa kanin, madalas ako gumagawa ng homemade tortilla tapos kahit ano yung ipapalaman ko, o kaya sandwich.
Pwede niyo nga palang palitan yung 'meat' sa recipe na ito.

Wala nang patumpik-tumpik pa. Ito na yung pinakamadaling gawing sandwich kapag hindi mo feel ang egg and cheese lang.
#spreadlovenothate
For English recipe, you can click on this link.



Yield: Good for 1
Ingredients:
4-6 tbsps Butter
Chicken strips
1 small tomato, sliced
Slices of cheese (Eden cheese ginamit ko kasi fave ko yun at swak sa bulsa)
2 slices of bread of your choice

Procedure:
Heat pan in medium.  Melt butter.Ipirito yung chicken strips.  Baligtarin.  Set aside.Magdagdag ng butter ulit.  I-saute yung tomato slices.  Set aside.Maglagay ulit ng butter.  I-grill yung tinapay.  Gawin din ito sa isa pang tinapay.Isalansan yung cheese sa ibabaw ng tinapay na nasa pan.Tapos ilagay naman yung kamatis, then yung chicken strips, bago ilagay yung isa pang tinapa…

Baby's Name

Image
Medyo nadelay lang ang pag-edit at post ko nito kasi may iba pa akong ineedit na video para sa best friend ko.  

May name na dapat kami sa baby boy at girl, pero nung na-confirm namin na boy si baby, hindi namin feel bigla yung unang name na naisip namin para sa kaniya. :)

Ito yung kwento kung paano namin naisip name ni baby.



Is it a Boy or a Girl?

Image
Ito na ang pinakahihintay ng karamihan sa mga kakilala namin, lalo na sa mga kamag-anak: ang gender reveal!

Panuorin nang malaman.  Hehehehe :p :)

#spreadlovenothate

Don't forget to subscribe! :p



YouTube Vlogging

Image
At dahil adik ako sa kakanuod ng mga vlogs sa YouTube, at mayroon din naman akong background sa editing etc., might as well use my spare time vlogging about my pregnancy, diba? :)
Hindi ko intensiyong sumikat o ano man.  Gusto ko lang may pagkaabalahan since hindi naman ako makakuha ng online work dahil sa bopols na PLDT connection ko na lagpas dalawang buwan na ako nagpapaayos sa kanila (kasi kada ayos, humihina ulit yung dl/ul speed after ilang days).
Ito ngang first vlog ko, inupload ko pa 90% sa may Starbucks malapit dito sa amin.  Hahaha!  Buti na lang mayroon akong ineedit na wedding video (filler sa program), at least may pinagkakaabalahan ako habang may inuupload sa Starbucks.  Sobrang naeengganyo nga lang ako magkape, lalo na yung ineendorse nilang espresso chestnut white chocolate truffle (yung hot)!  Jusko!  Tukso!  Buti na lang si AM hindi mahilig sa mga mamahaling kape hahaha!  Kaya naki-sip na lang ako sa iced shaken honey ruby grapefruit black tea niya, at nakitikim nu…