Skip to main content

Baby Stuff Haul & Review

Late post!

Sobrang busy kasi kay baby lately.  Naisingit ko lang ito kasi before ako manganak, naiedit ko na ng 80% itong vlog.  Tinuloy ko na lang pag-edit noong isang araw at ngayon ko lang naalalang i-upload.  :p

Ang bilis ng upload ngayon!  It only took me 30 minutes.  In fairness, mabilis na iyon hahaha!

Lahat nga pala ng haul e sa SM Rosario namin nabili.  Obviously, this is not a sponsored post.

Hindi lang extensive yung review ko at sobrang nagmamadali lang ako hahaha.  Kaya dito na lang yung details:

Caress Maternity Pad
1 out of 5
Naghihiwalay sa loob ng pad yung cotton. I prefer using normal Modess Cottony Soft pads, or kung malakas yung flow ng discharge niyo after birth, choose Modess's overnight pads.

Babyflo Oatmeal Bath Soap
3 out of 5
Mabango siya pero hindi hiyang kay baby.  Umaasim siya agad at hindi totoo yung claim na pwedeng matreat yung rashes sa katawan. :/  Pero try ko pa rin gamitin after maubos yung Human Nature Baby Wash ni baby.  Tignan natin kung okay pa rin ba.

Cycles Mild Laundry Soap for Babies
5 out of 5
Matipid, mabango, malambot sa balat at sa damit

Mamypoko Newborn Diaper
5 out of 5
Hindi nag-le-leak at hiyang si baby. Nagleleak lang pag mali kabit namin.

Precious Moments Sterilizer
4 out of 5
Pwedeng steamer na lang ginamit namin kasi same function/use naman.
Pero for sterilizer, nakakalito yung icons nung knob.

Apruva Stroller for newborn to toddler
5 out of 5
Very convenient gamitin.  Easy to assemble at tupiin.  Highly recommended!



Comments

Popular posts from this blog

Ang 'Dayo' at ang Buntis

Dayo yung term namin sa mga 'aswang' tapos 'dyaryo' yung tawag namin ni AM sa 'tiktik'.


Isa ako sa mga skeptic pagdating sa ganitong usapin kasi nga hangga't hindi ko pa nakikita o nararanasan, hindi ako maniniwala.

Matagal ko na sanang gustong i-share ito nung 1st trimester ko kasi, unfortunately, naranasan ko siya dito mismo sa bahay namin sa Cavite.
Gustuhin ko man siyang i-vlog ngayon at ikwento na lang ng diretso, kaso hindi ko kaya humarap sa camera phone ko na talagang inaatake ng anxiety.  Mas nagtitrigger kasi.  Pag sinusulat ko na lang mas nahihimasmasan ako.  Tsaka talking head lang din ang mangyayari, wala masyadong snippets of actual experience since mabilis ang mga pangyayari.
Hindi ko ito sinusulat o shi-ne-share ngayon sa inyo para maniwala kayo.  Gusto ko lang siyang i-share kasi baka mamaya isa ka pala sa mga nakaranas din o kaya, wala lang...trip mo lang magbasa ng mga ganitog klaseng kwento.  At tsaka personal experience ko ito while p…

Sciatica, Pamamanhid, Carpal Tunnel, Manas

Sciatica (sae.ya.tee.kuh)
May sciatica na ako dati pa prior to my pregnancy. 
Ano nga ba ito?  Ito yung naipit na sciatic nerve sa may pelvic area tapos hanggang paa yung discomfort niya.  Nagkakaroon ito ng madalas kapag nilalagay mo yung bigat mo sa isang side ng katawan mo.  In my case, sa left side ko.  
Remedy is to do stretching o kaya magpa-chiro, at dapat matutunan mo yung pag balanse ng katawan mo lalo na kapag nakatayo.  Nasa lifestyle din kasi.
E yung sa akin, napapansin ko na tuwing nagluluto ako, kanan gamit ko, so nakaangat yung right arm ko diba tapos yung weight e napupunta sa kaliwa.
Yung sa ibang cases naman, pagbuhat ng bag o anuman tapos madalas dun sa malakas na side niyo binubuhat kaya may tendency na malipat yung weight sa strong side mo...kaya major ipit ng ugat later.
Pumunta ako sa Karada last year sa may MOA para i-try ang chiro for the first time.  Nakaka-anxious siya kasi takot ako mabalian ng buto hahaha!  Pero after nila i-align yung axis ko at na-correc…

Bawal ang Pusa? :(

Sa mga nakakakilala sa akin, alam nilang mahilig talaga ako mag-alaga ng mga hamster, dogs, at lately pusa.
Nung bata pa kasi kami ng ate ko, may inampon kaming pusa.  Tinago namin siya sa loob ng Zesto box na binutasan namin.  Kaso, siyempre, mag-meow iyon kaya natuklasan din ng nanay namin kaya pinalayas.  Tapos nung college na yata ako non, may napulot akong kuting sa may Quirino Ave, papauwi pa lang ako non.  So sinakay ko pa siya sa bus hanggang sa hindi naman pumayag tatay ko na mag-alaga ako ng pusa since hindi pwede sa dorm, tapos ayaw niyang mag-alaga ng pusa.  Nilagay ko siya sa butas-butas na box at iniwan naman dun sa may Noveleta.  Huhuhuhu.  Sobrang guilty ko non.
Kaya never kaming nakapag-alaga ng pusa noon.  Aso, hamster, turtle yung mga naalagaan namin.  Mabaho daw kasi yung pusa.  E di kasi aware noon na kailangan ng litter box mga pusa para doon dumumi at magwiwi.
Tapos mga 2 years ago na, may napulot sila ate na pusa sa may puno ng santol namin.  Pinangalanan nami…