ItsJudyTime Meet & Greet in Manila!

Kung madalas kayong nanunuod ng YouTube vloggers, isa yung ItsJudysLife sa mga faves naming mag-asawa.  Nakakaaliw kasi yung family niya, lalo na yung kids, sina Julianna, Miya, at Kira.  :)

At kung nasusubaybayan niyo yung daily vlogs nila, siguro alam niyo ngayon na nandito sila sa Pinas.  And on January 29th, may meet and greet si Judy sa SM Aura!  From 12 PM to 1 PM, more on sa Pixi palette niya yung discussion.  Then 1PM until 5PM, yung meet and greet proper na.

Although, may ticket para makapunta at makita siya.  :(

E since on a budget kami ngayon, pass muna ako/kami.  Pero hihintayin ko na lang mga kwento, pictures, at vlogs niyo about sa event na ito.  Take note, wala yung mga bata sa entire duration nung event.  Nandoon lang sila saglit, based dun sa sinabi ni Judy sa video.  Siyempre mahaba yung event, sobrang mapapagod o mababagot mga kids kapag ganoong katagal.

::: UPDATE :::
Tickets are sold out!






Comments

Popular posts from this blog

Ang 'Dayo' at ang Buntis

Recipe | Filipino Laksa