Recipe | Sopas

At dahil maulan ngayon, masarap na pang-meryenda o kaya dinner meal na para sa iba (tulad ko) ang sopas.

Normally, may chicken liver dapat yung sopas kasi iyon yung isa sa mga distinct na lasa nito.  Pero dahil wala akong mabilhan nung araw na niluto ko ito, siyempre, di siya kasama sa recipe.  Pwede niyo naman idagdag kung gusto niyo non. :)

At para sa mga nagrereact o magrereact diyan na hindi naman ganoon yung sistema nila sa pagluto ng mga recipes na shi-ne-share ko sa inyo, kaniya-kaniyang diskarte po iyan.  Huwag tayo magpa-kahon sa standard.  Ang mahalaga, masarap yung kalalabasan nung niluluto o binebake mo.  At huwag kalimutan ang special ingredient, L O V E.

Ang aim ko po ay makapag-share ng recipes sa inyo, lalo na sa mga baguhan po sa kusina.  Kaya sinisimulan ko po muna sa simpleng recipes po muna bago tayo mag-level up. :) <3

Kung mayroon po kayong comments, suggestions, o katanungan, pwede po kayong mag-leave ng comment sa baba at sasagutin ko po iyon agad asap.  :)


#spreadlovenothate

For English recipe, you can click on this link.





Yield: Good for 4

Ingredients:

1/2 kg chicken, tinola cut
***pwede rin chicken breast, cut into pieces, and add 1/4 kg of chicken soup cuts (leeg, buto buto)

*1/4 kg chicken liver, cut into pieces (optional)

Rock salt (panglinis ng manok)

2-4 tbsps patis

5 cloves garlic, minced

1 large red onion, sliced thinly

1 large carrot, diced

1 medium-sized potato, diced

1 stalk celery, sliced

125g o 1/2 kg macaroni shells

4 cups water

2 tsps ground black pepper

2-3 dahon ng laurel (bay leaves)

250ml evaporated milk, ginamit ko Alaska

3-6 tbsps canola oil (tinantsa ko lang yung sa pagluto ko)

1/2 bungkos/tali ng pechay Baguio o 1/4 ng maliit na repolyo, chopped

2 tbsps butter


Procedure:


  1. Linisin muna yung manok at atay.  Lamasin ng rock salt saka banlawan.  Tapos asinan ulit.
  2. Painitin yung pot at lagyan ng mantika.
  3. Igisa ang manok hanggang sa magbrown ito.  Ihalo ang atay kung mayroon o kung gusto niyo non.
  4. Ihalo yung sibuyas hanggang sa maging transluscent ito.  Tapos idagdag yung bawang.
  5. Kapag maamoy na yung bawang (iwasang masunog ito), saka idagdag yung celery.
  6. Ihalo ang patatas at carrots.
  7. Ibuhos ang evaporated milk.  Dagdagan ng 2-3 cups of water.
  8. Ilagay ang macaroni shells.  
  9. Lagyan ng pepper saka haluin.
  10. Ilagay ang dahon ng laurel.
  11. Takpan yung pot pero bahagyang nakabuka para kumulo lang siya sa medium heat.
  12. Once kumulo na, tanggalin yung takip.  Haluin, saka lagyan ng wooden spoon sa gitna-ibabaw ng pot para hindi umapaw kapag kumukulo.  
  13. Hayaang kumulo hanggang sa maluto yung macaroni, patatas, at carrots.  Pwede rin namang ihiwalay niyo yung pagluto ng macaroni saka niyo ihalo sa soup.  :)
  14. Huwag kalimutang tanggalin yung mga impurities o yung mga bula na namumuo sa ibabaw o tinatawag nilang milk skin kapag nagpapakulo/luto kayo ng may gatas.
  15. Stir occasionally.
  16. Dagdagan ng tubig kung kinakailangan.  Haluin at hayaang pakuluan.  Tandaan na medium heat lang ha, wag yung malakas yung apoy.
  17. Tikman yung soup at itest kung luto na yung macaroni.  Dagdagan ng salt kung kinakailangan.
  18. Ihalo yung pechay Baguio o repolyo.  Haluin at hayaang ma-half-cook.
  19. Lagyan ng butter at haluin.
  20. Serve warm! :)


May video recipe din ako na pwedeng panoorin dito:



Comments

Popular Posts