Baby Kicking!

Ito naman na yung updated blog post ko.  Tapos na ako sa kakalipat ng mga blog posts ko galing sa Wordpress.  Yey!

---

Iba talaga iyong feeling na sumisipa na yung anak mo sa loob ng tiyan mo.  Sobrang nakakamangha na ang saya saya!  :)

Buti na lang observant ako pagdating sa mga bagay-bagay.  Kaya noong nararamdaman ko na siyang naggagalaw, talagang pinapanood ko siya.  Dulot na rin siguro sa mga pinapanood kong YouTube videos about sa 21 weeks of pregnancy, etc.  

Habang hawak ko phone ko tapos yung isang kamay ko nasa tiyan ko, bigla na lang gumalaw si baby at gumalaw din kamay ko.  Kaya binuksan ko agad yung camera ng phone ko para ma-videohan at pinagkakausap ko para naman may documentation ng life event na ito.  Hihihi.  Masunurin naman si baby.  :D


Haaaaaaaaayy... excited na kami!  Ongoing clean-up ang ginagawa namin ngayon dito sa bahay to make room for the baby.  Yung kwarto ng tatay ko icoconvert na namin as baby room.  Daming aayusin.  Tignan ko kung magagawan kong i-document yung DIY projects namin.  :)

Comments

Popular Posts