Skip to main content

Recipe | Tortang Talong (Eggplant Omelette)

Bakit ngayon ko lang naisipan i-video yung pagluluto ko sa tagal-tagal ko nang nagluluto?!  Ewan ko ba.  Sobrang busy ata talaga ako noon.  May YouTube channel nga ako tapos hindi ko siya masyadong ma-update.  Kailangan kasi talaga ng oras para mag-edit.  Kaya bilib din ako sa mga vloggers na pinapanood ko tulad nila itsjudyslifeCasey NeistatFunforLouis, Anne Clutz, Say Tioco, karir kung karir!
Since nag-crave ako ng tortang talong, might as well make a video about it miski maraming videos na mayroon sa YouTube.
Ito nga pala yung recipe.  Pwede kayo mag-adjust sa dami nung ingredients.  More onions and garlic, the better.  Sila yung pampalasa ko talaga.  Hindi kasi ako gumagamit ng vetsin kahit kailan.  Masama sa katawan iyon miski may claim na for "umami" taste charva.  Sus.  Anything chemical intake, masama sa katawan, miski mga prescribed na gamot na iyan.  May side effects kahit ano pang sabihin niyo.
Anyway, bago tayo mapunta sa mga issues ko sa pharmaceutical companies o sa mga gamot na iyan, ito na yung recipe.
BUDGET: Php 50 for two people na. Tipid sulit! Wais na misis! :)
tortang talong.png
Yield: Good for 2
TORTANG TALONG (Eggplant Omelette)
1 large talong / eggplant (pwede rin naman maliliit)
1/8 cup ground pork (or beef, or chicken, or mushroom..anything!)
2 small tomatoes, chopped
1 medium-sized red onion, chopped
1/2 of small green bell pepper, chopped
4 cloves of garlic, minced
1 tbsp patis Salinas (fish sauce)
salt and pepper to taste
2 eggs, beaten
1/4 to 1/2 cup canola oil

Procedure:
- Poke eggplant with fork. Mas mabilis siyang maihaw, pramis.  Hindi na kailangan pahiran ng oil.
- Broil / grill eggplant on your burner.  Flip it when necessary.  Use tongs.
- Place broiled eggplant on a deep dish/soup plate and pour water to cool it down.  Set aside.
- Next, heat pan then add oil.  Sweat onions first, then add garlic.  Once you smell the garlic's aroma, add tomatoes.  Let it cook while stirring, then add green bell pepper.
- Then add ground meat of your choice.  For vegetarian option, you can opt for chopped mushrooms instead. ;)
- Once half cooked, add 1 tbsp fish sauce.  If you're using a regular fish sauce that is pale in color, you might want to add another tablespoon.  Then season with pepper.  Mas masarap talaga yung patis Salinas namin.  Kaso sa amin lang pwede bumili non.  Iniisip ko nga kung mag-resell ako non e. :)
- Let it simmer for 3-5 minutes under medium low heat.
- Peel skin of the eggplant.  If it's still warm, let it soak in water while peeling.  But if it has cooled down, drain water before peeling.
- Set aside cooked ground meat by leaving the oil in the pan.  We'll be using it on frying the omelette.
- By using a fork, comb the eggplant from to bottom, refraining from pulling too much.  You just want to flatten the eggplant.
- Beat two eggs.
- Reheat used pan with the excess oil.
- Fry flattened eggplant.  Place cooked meat on top of the eggplant.  Lower the heat.  Then pour in egg mixture.
- Flip the eggplant omelette by using a large plate, or if you can toss it yourself, or with two spatulas.
- Serve while hot.  Best eaten with ketchup and rice.

Here is my recipe video:

Comments

Popular posts from this blog

Ang 'Dayo' at ang Buntis

Dayo yung term namin sa mga 'aswang' tapos 'dyaryo' yung tawag namin ni AM sa 'tiktik'.


Isa ako sa mga skeptic pagdating sa ganitong usapin kasi nga hangga't hindi ko pa nakikita o nararanasan, hindi ako maniniwala.

Matagal ko na sanang gustong i-share ito nung 1st trimester ko kasi, unfortunately, naranasan ko siya dito mismo sa bahay namin sa Cavite.
Gustuhin ko man siyang i-vlog ngayon at ikwento na lang ng diretso, kaso hindi ko kaya humarap sa camera phone ko na talagang inaatake ng anxiety.  Mas nagtitrigger kasi.  Pag sinusulat ko na lang mas nahihimasmasan ako.  Tsaka talking head lang din ang mangyayari, wala masyadong snippets of actual experience since mabilis ang mga pangyayari.
Hindi ko ito sinusulat o shi-ne-share ngayon sa inyo para maniwala kayo.  Gusto ko lang siyang i-share kasi baka mamaya isa ka pala sa mga nakaranas din o kaya, wala lang...trip mo lang magbasa ng mga ganitog klaseng kwento.  At tsaka personal experience ko ito while p…

Sciatica, Pamamanhid, Carpal Tunnel, Manas

Sciatica (sae.ya.tee.kuh)
May sciatica na ako dati pa prior to my pregnancy. 
Ano nga ba ito?  Ito yung naipit na sciatic nerve sa may pelvic area tapos hanggang paa yung discomfort niya.  Nagkakaroon ito ng madalas kapag nilalagay mo yung bigat mo sa isang side ng katawan mo.  In my case, sa left side ko.  
Remedy is to do stretching o kaya magpa-chiro, at dapat matutunan mo yung pag balanse ng katawan mo lalo na kapag nakatayo.  Nasa lifestyle din kasi.
E yung sa akin, napapansin ko na tuwing nagluluto ako, kanan gamit ko, so nakaangat yung right arm ko diba tapos yung weight e napupunta sa kaliwa.
Yung sa ibang cases naman, pagbuhat ng bag o anuman tapos madalas dun sa malakas na side niyo binubuhat kaya may tendency na malipat yung weight sa strong side mo...kaya major ipit ng ugat later.
Pumunta ako sa Karada last year sa may MOA para i-try ang chiro for the first time.  Nakaka-anxious siya kasi takot ako mabalian ng buto hahaha!  Pero after nila i-align yung axis ko at na-correc…

Bawal ang Pusa? :(

Sa mga nakakakilala sa akin, alam nilang mahilig talaga ako mag-alaga ng mga hamster, dogs, at lately pusa.
Nung bata pa kasi kami ng ate ko, may inampon kaming pusa.  Tinago namin siya sa loob ng Zesto box na binutasan namin.  Kaso, siyempre, mag-meow iyon kaya natuklasan din ng nanay namin kaya pinalayas.  Tapos nung college na yata ako non, may napulot akong kuting sa may Quirino Ave, papauwi pa lang ako non.  So sinakay ko pa siya sa bus hanggang sa hindi naman pumayag tatay ko na mag-alaga ako ng pusa since hindi pwede sa dorm, tapos ayaw niyang mag-alaga ng pusa.  Nilagay ko siya sa butas-butas na box at iniwan naman dun sa may Noveleta.  Huhuhuhu.  Sobrang guilty ko non.
Kaya never kaming nakapag-alaga ng pusa noon.  Aso, hamster, turtle yung mga naalagaan namin.  Mabaho daw kasi yung pusa.  E di kasi aware noon na kailangan ng litter box mga pusa para doon dumumi at magwiwi.
Tapos mga 2 years ago na, may napulot sila ate na pusa sa may puno ng santol namin.  Pinangalanan nami…