Skip to main content

Featured

Recipe | Chicken-Kalabasa (Squash) Arroz Caldo

Matagal-tagal na rin kaming hindi nakakapag-arroz caldo tapos nag-crave na lang ako non dahil nag-uulan noong ilang araw. E kaso may nakita pa akong kalabasa sa ref, tapos sawa na akong i-bulanglang iyon, pakbet o kaya igisa lang kasama ang pechay. Kaya naisipan kong ihalo sa arroz caldo para mas 'healthy' lalo na't fave ni Oyo yung kalabasa.



Magandang alternative itong recipe na ito sa mga chikiting natin na ayaw ng gulay (miski prutas naman talaga yung kalabasa). Hindi nila mahahalata na may kalabasa pala yung kinakain nila. Puwede niyong bawasan muna yung amount ng kalabasa as a start, tapos next time niyo lutuin, dagdagan niyo na. May hint lang ng lasa ng kalabasa itong dish na ito at mas nag-o-overpower pa rin yung classic arroz caldo taste.
Pero bago kayo mag-yuck diyan, alamin muna natin yung mga health benefits nito:


About the recipe, puwede niyong gawin na alternative sa malagkit yung rolled oats (tulad ng ginawa ni Erwan Heusaff sa arroz caldo niya). Thanks, Tric…

Hello, Pregnancy!

Don't get me wrong.
Sobrang love ko yung blog ko na mangoesbananas.blogspot.com.  Kaso mas gusto kong focus ng site na iyon e puro food styling, recipes, portfolio ba.  Although, mayroon nang mga past posts doon na irrelevant.  I'll keep it that way.  Para makita nila na tao ako..at para may character yung blog.  Haha!
Bumalik ako sa wordpress.com blog ko na curlyscribbler kaso hindi ako nasiyahan sa pag-customize ng blog na iyon.  Kailangan ko pang mag-premium para lang makapag-post ako ng videos ko etc..  Kaya minabuti pang ilipat ko na lang lahat ng content dito sa curlyscribbler.blogspot.com.  Buti na lang available pa yung domain name na ito kung hindi stressful na naman sa pagpili ng blog name.
So, asahan niyo na magshashare ako ng insights sa pregnancy ko, since subjective siya at baka may maitulong din kayo sa akin, mga OOTD ko kapag may lakad ako (which is madalang, house cat peg ko), at mga recipes o kaya food trips or reviews ko sa mga bagay-bagay. :D   At sana makapag-vlog din ako, which reminds me, kailangan kong iupdate yung YouTube channel ko kasi nakafocus naman yun cafe ko na isinara na muna namin.  :)

Comments

Popular Posts