Recipe | Filipino Laksa

Difficulty Level:  Medium

Actually, hindi siya mahirap lutuin.  Matrabaho lang yung pag-prep, like yung sa pag-devein ng shrimp, at yung pag chop nung puso ng saging kasi kailangan mo pang ibabad sa rock salt iyon bago mo hugasan.

Pwede niyo rin palang i-omit yung pork, basta isaute niyo na lang sa oil.  Kaso kulang lasa non sa totoo lang.  Yung pork fat din kasi yung nagpapalasa sa ginisa.

Saktong-sakto itong lutuin na ito lalo na kapag weekend tapos makulimlim o maulan.

Akala mo mabibitin ka pero mabigat sa tiyan yung sotanghon.

For English recipe, click on this link.





Yield: Good for two


Ingredients:

1/8 pork cubes

1/4 shrimp, deveined

3 small red onions, sliced

4 cloves garlic, chopped

2 small tomatoes, sliced

2-3 cups water

1 small pack of vermicelli (sotanghon)

2-3 cups hot water (para sa sotanghon)

1 small puso ng saging o banana blossom, chopped

Rock salt

1-2 tbsps soy sauce

Salt and Pepper to taste

*optional yung chopped onion leeks*



Procedure:


  • Tanggalan ng ulo at shell yung hipon.  Set aside mo yung ulo at asinan.
  • Devein mo yung hipon by slicing yung gitnang ibabaw (yung kurba), tapos tanggalin mo yung itim na vein.
  • Asinan yung hipon at hugasan.  Set aside.
  • Budburan ng rock salt din yung chopped na puso ng saging.  Haluin ito at hayaan nakababad sa asin ng 5-15 minutes.  Hugasan ng maigi at i-drain.
  • Pakuluan yung baboy na may asin at tubig in medium hanggang sa matuyo ito.
  • Habang pinaiiga sa sariling mantika yung baboy, sa isang bowl, ilagay yung sotanghon at buhusan ng mainit na tubig.  Hayaang nakababad para hindi siya hihigop ng sabaw mamaya.
  • Once na luto na yung baboy, set aside.  Gagawin mo na lang siyang topping mamaya pag luto na yung ulam.
  • Igisa yung ulo ng hipon.  Pigain ito para lumabas yung katas.  Tapos pag luto na, pwede nang itapon yung ulo ng hipon.
  • Tapos igisa ang sibuyas, bawang, at kamatis.
  • Ihalo ang nahugasan na puso ng saging.
  • Buhusan ng tubig hanggang sa kapantay niya yung mga sangkap.
  • Cover at hayaang sumubo.
  • Kapag luto na yung puso ng saging, ihalo ang sotanghon.  Pwedeng magdagdag ng tubig kung kinakailangan.
  • Tapos ihalo ang 1-2 tbsps ng toyo.  Tikman.  Kung kulang, pwedeng magdagdag pa.  O kaya asin at paminta ang idagdag.
  • Optional yung paghalo ng chopped onion leeks.
  • Top laksa with pork and serve! :)



Recipe video:




Comments

Popular Posts