Recipe | Cheesy Chicken Tomato Sandwich
Difficulty Level: EASY
Dahil mahilig ako sa tinapay kaysa sa kanin, madalas ako gumagawa ng homemade tortilla tapos kahit ano yung ipapalaman ko, o kaya sandwich.
Pwede niyo nga palang palitan yung 'meat' sa recipe na ito.
Wala nang patumpik-tumpik pa. Ito na yung pinakamadaling gawing sandwich kapag hindi mo feel ang egg and cheese lang.
#spreadlovenothate
For English recipe, you can click on this link.
Yield: Good for 1
Ingredients:
4-6 tbsps Butter
Chicken strips
1 small tomato, sliced
Slices of cheese (Eden cheese ginamit ko kasi fave ko yun at swak sa bulsa)
2 slices of bread of your choice
Procedure:
- Heat pan in medium. Melt butter.
- Ipirito yung chicken strips. Baligtarin. Set aside.
- Magdagdag ng butter ulit. I-saute yung tomato slices. Set aside.
- Maglagay ulit ng butter. I-grill yung tinapay. Gawin din ito sa isa pang tinapay.
- Isalansan yung cheese sa ibabaw ng tinapay na nasa pan.
- Tapos ilagay naman yung kamatis, then yung chicken strips, bago ilagay yung isa pang tinapay.
- Pwede mong takpan ng lid yung pan para magsteam.
- Baligtarin para uminit lang yung kabilang side ng sandwich.
- Hatiin sa gitna at i-serve.
May video recipe din ako na pwedeng panuorin dito:
Comments
Post a Comment