YouTube Vlogging

At dahil adik ako sa kakanuod ng mga vlogs sa YouTube, at mayroon din naman akong background sa editing etc., might as well use my spare time vlogging about my pregnancy, diba? :)

Hindi ko intensiyong sumikat o ano man.  Gusto ko lang may pagkaabalahan since hindi naman ako makakuha ng online work dahil sa bopols na PLDT connection ko na lagpas dalawang buwan na ako nagpapaayos sa kanila (kasi kada ayos, humihina ulit yung dl/ul speed after ilang days).

Ito ngang first vlog ko, inupload ko pa 90% sa may Starbucks malapit dito sa amin.  Hahaha!  Buti na lang mayroon akong ineedit na wedding video (filler sa program), at least may pinagkakaabalahan ako habang may inuupload sa Starbucks.  Sobrang naeengganyo nga lang ako magkape, lalo na yung ineendorse nilang espresso chestnut white chocolate truffle (yung hot)!  Jusko!  Tukso!  Buti na lang si AM hindi mahilig sa mga mamahaling kape hahaha!  Kaya naki-sip na lang ako sa iced shaken honey ruby grapefruit black tea niya, at nakitikim nung s'mores nila.  Sakit sa lalamunan nung s'mores.  Hindi ko kaya yung tamis.  Bagay lang siya sa Americano na drink. 

Kaya ito, after how many days, finally, na-upload ko na din sa YouTube yung first preggy vlog ko. :)

Nothing fancy, pero nagsisilbi siyang 'something to look back into' pagdating ng araw. :)

Sana ma-upload ko na din yung Vlog # 2, mas exciting kasi GENDER REVEAL na iyon.  Hihi.  Crossing fingers! 

#spreadlovenotehate




Comments

Popular Posts