Enlightenment

Hindi ako makatulog hanggang 6AM nung isang gabi.  

Nag-iiyak ng tahimik.

Naiinis.

Nagagalit.

Naiisip ko bakit sa lahat ng tao parang ako lang yung natatapunan ng matinding challenge sa buhay. Pinaka-recent ay itong pagbubuntis ko na wala kaming ipon.  Hindi rin namin inexpect ito kasi when we were trying early last year, walang nangyari.  Tapos nung hindi na kami nag-try, biglang nabuo si baby Apollo.  Nag-resign nga ako sa day job ko para makapag-apply ng work abroad nang makaipon, biglang naudlot gawa ng pregnancy ko.

Kaya namin sinara bigla yung cafe namin gawa ng maselan na 1st trimester ko, humina ang cafe, at lugi na kami.  May natirang ipon, pero syempre dahil sa gastusin at sa pagkain, nasimot din siya.

We are living in debt.  Marami pa akong utang na kailangang bayaran.

Lahat naman ng paraan ginawa ko na: naghahanap/apply ako ng trabaho online since September pero wala pa ring luck hanggang ngayon.  Mayroon mang isa pero piso piso lang yun.  Parang libre nga lang yung work kasi mapupunta yung kikitain sa pambayad pa lang ng internet...kulang pa nga kung tutuusin.  Tapos kadalasang hinahanap sa online work e may years of work experience tapos sobrang barat ng sahod!  Hindi makatarungan no?

Nag-online made-to-order ako ng mga pastries at cater trays.  Hindi ko mababaan yung presyo na (although naibaba ko na siya) kasi wala na akong kikitain.  E sanay yung mga tao dito na barat presyo.  Hindi nila ma-gets na kaya made-to-order kasi sasadyain pa yung pag-source ng ingredients para lang sa maliit na order nila na hindi dinadaya.  Kung bulk siya, mas makakamura sila.  Ang ending, wala masyadong client.

Gustuhin ko man magbenta ng ulam kanin dito, kaso walang pampuhunan..miski pang-meryenda man lang.  Sakto lang yung bibilhin namin para sa amin.

Hindi naman ako yung tipong aasa lang sa asawa.  Hindi rin naman ako yung tipong sasabihan yung asawa na ganito gawin mo o ganoon.  Gaslighting is not my thing.  May sarili siyang diskarte at nirerespeto ko iyon.  Buti ba sana kung nagbabayad ng maayos mga banda sa tulad ni AM na matino at maayos magtrabaho na sound technician, buhay kami e, kaso nasa Pinas tayo.

. . .

Sobrang frustrated na ako magkatrabaho.  Nung naiayos ko na yung internet issue ko at nag-re-apply dun sa online English teaching, hindi ako pumasa.  Sa sobrang kaba hindi ko nasagutan ng maigi yung oral exam nila.  Iniyak ko ng matindi yon.  Sobrang desperado na ako.  Pero may mga senyales na nung umpisa pa lang bago ako mag-exam, yung biglang hindi ako matawagan o makatawag sa Skype para sa interview, tapos hindi pa pala nababayaran yung internet kaya nawalan ng internet nung araw na yon pero nagawan ko ng paraan na i-activate nila after ko bayaran.  Tapos yun pala ibig sabihin non, huwag ipilit.

Ilang beses na rin pala ako nag-apply ng work abroad, laging hindi ako nakukuha kasi either overqualified ako (na sobrang nalalabuan ako) o hindrance yung cafe na isasara ko naman talaga once na matanggap ako.  Hindi talaga meant.

Lagi akong nag-so-sorry sa anak ko kasi kahit anong gawin ko, hindi ako sinuswerte o binibiyayaan ng trabaho.  

Kaya nagagalit ako sa Kanya.  I doubted Him.


May kinausap akong kaibigan na online ng mga oras na iyon.  Sinabi ko lahat sa kaniya.  Sinabi ko pa nga, "Walang nagagawa ang dasal.  Dapat kumilos talaga.  E ginagawa ko nga iyon.  Bakit hindi pa rin binibigay sa akin?  Sobrang walang kwenta na ba akong tao?  O dahil ba sa buntis ako at ayaw ng papasukan ko na work na umabsent ako ng matagal?  Hindi ba nila naisip na miski one week lang ako mawala since online work naman yon.  At mas gaganahan akong mag-work kasi nakikita ko na anak ko na kailangan kong pag-ipunan talaga."

Nakatulog na ako ng 6am pero sobrang babaw.  Gumising ako ng tanghali para sabayan asawa ko kumain.  Sobrang wala ako sa mood.  Puro yun ang iniisip ko.


Tapos kagabi, habang nag-e-edit ako ng video para sa YouTube channel ko, nanunuod ako ng random vlogs sa TV.  I stumbled upon Coffee and Sparkle.  Napatigil ako sa pag-edit nung narinig ko yung words she wanted to impart to her viewers na narinig at natutunan niya rin sa church na ina-attend-an niya (Episode # 20):

"God has a perfect plan for us.

NEVER compare your journey to others.

If God sees that you're ready, He's giving it to you."




Umiyak ako nung narinig ko iyon.  Parang Siya mismo yung kumakausap sa akin.  Actually umiiyak pa rin ako ngayon habang sinusulat ko itong part na ito.

Humihingi ako ng sign o ng understanding bakit nangyayari ito sa akin/amin.  Hindi naman kami nanlalamang ng kapwa, sumusunod kami sa dapat, hindi kami nangdadaya lalo na sa business, tumutulong kami miski walang-wala kami.  Gumagawa naman kami ng paraan pero parang laging may maling nangyayari.  Tapos napapansin namin kung sino pa mga salbahe, sila pa yung nabibiyayaan?  At ito nga, biglang narinig ko yung wisdom na iyon sa isang vlog pa ha.  Sobrang enlightening.

Kaya minessage ko si Mimi ng Coffee and Sparkle sa Facebook Page niya.  Kinuwento ko yung pangyayari tulad nitong nasa post na ito (pero maikling version yung nasa kaniya).  Pinasasalamatan ko siya kasi siya yung ginawang tool ni God para makausap ako ng masinsinan.  Hindi ako religious, pero naniniwala ako na may Creator.  Matindi faith ko.

Tapos kaninang pag-gising ko, nagulat ako na nagreply siya:



Kanina ko lang din naintindihan kung bakit binigay sa amin si Apollo, deserving namin maging parents kasi magpapalaki kami ng mabuting bata sa magulong mundo na ito.  Iyon ang papel namin.

Sobrang blessing si baby Apollo.  Pero siyempre hindi mawawala yung kaba at takot kung paano mo bubuhayin anak mo diba?  All good parents wants the best for their child/ren.

Since naliwanagan na ako, all I'm asking Him for the longest time is guidance.  Nasusunod ko naman lahat at inaaccept ko kung hindi talaga meant for me, nahirapan lang akong i-accept this time out of desperation.  I know and I believe He will never fail to guide me to the right path.

. . .

Mimi, if you happen to read this post, I would like to thank you over and over again.  Grabe yung naitulong mo sa akin, girl!

At sa nagbabasa pa rin hanggang sa part na ito, salamat.  Sana may na-impart din ako sa inyo na makakatulong sa faith at understanding mo sa buhay.  Kung ano man iyang pinagdadaanan mo ngayon, kapit lang.  You can talk to me too, just e-mail me (curlyscribblings[at]gmail[dot]com).

#spreadlovenothate

Thank you, betch (Dess), for sharing this song:



And thank you, Jen, for this link.  Here's an excerpt from the said article:

"How many times have you asked God for something, felt that He was punishing you by not giving it to you and then later on discovered that He was actually protecting you? How many times have you desired something but not actually prayed for it, instead hoping that God would just make it happen?"

Comments

Popular Posts